Agad naman kumilos si Dexter. Tumayo ito ng matuwid at ibinigay kay Dennis ang menu na hawak. Kailangan na nilang mag-panggap ngayon. "Pili ka nalang dyan Dude. Magtawag ka nalang ng Crew na available. May aasikasuhin pa ako." anito. "Sige Dude. Ayos lang." anito tsaka tinapik ito ni Dennis sa balikat. Nilingon siya nito at ngumiti. "Iwan ko muna kayo Ma'am. Enjoy your meal." anito. Ngumiti siya dito pabalik at tsaka ito humakbang umalis. Habang namimili ito ay nakita niya sa gilid ng kanyang mga mata sina Luna at Jael na umupo malapit sa entrance ng Restaurant. Masayang nag-uusap ang mga ito. Mukhang hindi ata alam ng mga ito na nandito sila sa Restaurant. "What do you want, Venice?" tanong ni Dennis sa kanya. "Kahit ano na lang. Okay lang sakin. Hindi naman ako pamilyar sa ga ganit

