Kabanata 16

1098 Words

Tuloy-tuloy lang sa pag-inom si Sir Dennis. Kanina niya pa ito pinipigilan subalit hindi ito nakikinig. Nakalahati na nito ang laman ng bote. Nakasubsob na ang ulo nito sa mesa dahil sa kalasingan. Mababa ang tolerance nito sa alak dahil nakakalahati palang nito ang bote ay lasing na ito. Nakita niyang papalapit si Jay sa kinaroroonan nila. "Anong nangyari sa kanya Venice? Diba siya si Dennis Monteverde? Yung boss mo?" tanong nito sa kanya. "Oo, nakipagkwentuhan lang siya kaya siya pumunta dito. Hindi ko naman aakalain na magpapakalasing siya." aniya na hindi alam ang gagawin. Lumapit din sila Sassy, Angel at Michelle sa kinaroroonan niya. "Anong nangyari dyan?" tanong ng mga ito na nakatutok ang tingin kay Sir Dennis. "Mamaya ko na ipapaliwanag." aniya. Agad na hinanap sa phone book

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD