Nang marating niya ang kusina ay agad niyang kinuha ang palanggana na nakasabit. Nilagyan niya iyon ng tubig at sinalinan ng maligamgam na tubig na nanggaling sa thermos. "Iha, ikaw na ba ang bahala ka Sir Dennis?" tanong sa kanya ni Mang Angge nang nadatnan siyang nasa kusina. "Opo. Ako na po bahala. Aalis din po ako kapag ayos na po siya." aniya. "Osige. Salamat iha ah. Medyo pagod kasi ako ngayon dahil sa dami ng ginawa ko." anito. "Ayos lang po iyon at para makapagpahinga na po kayo." "Katukin mo nalang ako sa kwarto kapag aalis ka na." anito. Ngumiti ito sa kanya at nagtungo na sa kwarto nito. Pumunta na siya agad sa taas na bitbit ang palanggana. Pumasok siya sa kwarto nito at nilapitan ito. Ibinaba niya ang palanggana sa gilid niya at pumunta sa drawer ng cabinet nito. Baka

