Nagpaalam na rin ang kanyang ina ng matutulog na. Pagkatapos niyang kumain ay agad niyang iniligpit ang mga pinagkainan at nagpasyang pumasok na sa kwarto at mahiga. Habang nakahiga ay bigla niyang naisip na kamustahin si Jay. Bumangon siya at kinuha niya ang cellphone niya sa bag niya at tsaka idinaial ang cellphone number nito. Nakailang ring din hanggang sa sagutin nito iyon. *Venice? Pasensya na nawala sa isip ko na magpaalam sayo kahit sa cellphone man lang. Ngayon ko lang naalala, ngayong tumawag ka." bungad nito sa kanya* "Ayos lang yun Jay. Naiintindihan ko. Syempre nanay mo yan e. Kamusta na siya?" tanong niya dito. *"Ayos naman na si nanay kaso baka magtatagal pa kami dito ng ilang araw, hanggang sa maidischarge siya."* "Pupunta ako bukas dyan Jay. Siguro kapag lunch. Kapag

