Narito si Dennis sa opisina ng kanyang Ama. Pinatawag siya nito dahil gusto daw siya nitong makausap. Kahit naman na hindi sila magkasundo at nandun parin ang galit niya. Ama niya parin ito at nasa teritoryo siya nito. Nakaupo siya ngayon sa sofa, sa gilid ng mesa nito. "Hindi ko akalain na babalik ka. Ano ang dahilan bakit ka bumalik dito?" tanong nito. "Dad, hindi ka ba masaya na nandito ako ngayon? Di' ba yun naman ang gusto mo? Ang bumalik ako dito?" tanong niya. Walang dahilan para sabihin niya dito ang dahilan kung bakit siya nandito. Tumatango-tango ito. Oo, matagal na siya nitong pinipilit na bumalik sa Monteverde's Enterprise. Subalit, matigas lang talaga ang ulo niya at ayaw niya muna itong makita. Ngunit, kailangan niyang lakasan ang loob niya dahil ginagawa niya ito para kay

