Chapter 17

2124 Words

“Naks, naman si Santos binata na!” sabi ni Marc sa kaniya habang nakaupo sila sa Science garden. Masyado pa namang maaga kaya naisipan nilang tumabay muna roon habang hinihintay ang oras ng kanilang unang klase.  “Congrats ‘tol! Humayo ka’t magpakarami!” ani Rex sabay tapik nito sa kaniyang balikat. “Mga sira-ulo!” naiiling naman niyang turan sa mga kaibigan. “Pero seryoso, masaya kami para sa iyo,” wika naman ni Lester na nakaupo sa kaniyang harapan. “Salamat mga ‘tol,” tugon naman niya sa mga ito. “So, ano, sabi ko naman sa iyo, kakainin mo lahat ng mga sinabi mo noon eh,” nakangising saad pa ni Marc sa kaniya.  Napangiti naman siya sa sinabi ng kaibigan dahil tama naman ito. Kinain na nga ang mga sinabi niya sa mga ito noon na hindi siya maggi-girlfriend, hangga’t hindi sila nakak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD