Dalawang lingo ng nagliligawan sina Kristine at Jeffrey, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nasasabi sa binata ang tungkol sa nalalapit niyang pag-alis. Palagi na lang nauudlot ang pagsasabi niya rito ng tungkol doon, dahil na rin sa sobrang kaligayahang nadarama niya sa tuwing kasama niya ito. Agad niyang nakalilimutan ang lahat kapag kaharap na niya ang binata. Kagaya na lang noong nakaraang araw, ang plano niya ay sabihin na rito ang tungkol doon. Pero dahil sa panghaharana nito sa kaniya kanina, nawalan na naman siya ng pagkakataong sabihin iyon sa binata. “Oh, ano, nasabi mo na ba sa kaniya ang tungkol sa nalalapit mong pag-alis?” tanong sa kaniya ni Dianne habang nakadapa sila sa ibabaw ng kaniyang kama, habang nanonood ng paborito nilang palabas. “Hindi pa rin,” tugon

