“Sis!” humahangos na tawag ni Gandara kay Cielo habang nakaupo sila ni Bhelan sa Botanical Garden ng kanilang paaralan. Kunot-noo namang nilingon ni Cielo ang pinanggalingan ng tinig ng kaibigan. Hindi niya alam kung saan ito nanggaling at humahangos ito ngayon sa kanilang harapan. “Ano ba iyon Gandara? Makatawag ka riyan akala mo naman hinahabol ka ng mga kabayo,” masungit niyang saad sa kaniyang kaibigan. Humihingal naman itong naupo sa katapat nilang upuan ni Bhelan, saka huminga nang malalim. “Saan ka ba kasi galing, bakla?” tanong naman ni Bhelan dito. “Hay, naku, hindi na importante kung saan ako galing. Ang importante ay ang chismax na dala ko for you!” turan naman nito sa kanila. “Siguraduhin mo lang na matutuwa ako sa chismax mong iyan Gandara ha, dahil kung hindi sasabunuta

