Chapter One
ISANG linggo na sa karagatan ang Diamond International Cruise Ship bound to Europe. Ang unang barko na inaplayan ni Hymae Skylor kung saan ay kaagad naman siyang natanggap bilang isang executive housekeeping supervisor. Tatlong buwan bago niya tuluyang na-familiarized ang mga facilities sa barko. Binubuo kasi ng sampung palapag from top to bottom deck ang cruise ship. Nakakapag-accommodate ito ng mahigit kumulang anim na libong pasahero sa isang trip.
Isa lamang siya sa dalawang libong empleyado ng barko. Siya ang pumalit sa nagretirong executive housekeeping supervisor. Siya rin ang pinakabata at baguhang empleyado. Nasa katangian niya ang mga qualification na hinahanap ng kumpanya kaya walang kaduda-duda na tinanggap siya kaagad.
Bukod sa pagiging professional at pleasing personality na mayroon siya ay taglay niya ang natural na ganda ng isang Filipina-Spanish. Malaking bulas at may tangkad na 5’8”. Madalas nananalo sa mga beauty contest mula haiskul hanggang kolehiyo. Flight stewardess sana ang gusto niya kaso takot siya sa plane crash. Pero hindi siya takot na lumubog ang barko dahil kahit papaano ay marunong siyang lumangoy.
Walong oras ang trabaho niya kapag walang major problem na kinahaharap sa departamento niya. Nakaginhawa siya matapos ang maghapon niyang pag-iikot sa nasasakupan niya at pagche-check ng mga room status. Nakakapagod din naman kasi ang napuntahan niyang departamento dahil ima-manage niya ang tatlong libong guest rooms at mahigit isandaang empleyado na under sa kanya. Housekeeping serves as the backbone of the ship.
May exclusive areas and rooms para sa mga empleyado. Pero dahil may posisyon siya sa kumpanya kaya may prebilihiyo siya na magkaroon ng sariling kuwarto. Ang iba kasi ay dormitory type kung saan marami ang magkakasama sa loob ng iisang kuwarto. Masuwerte man siya kaysa sa mga naunang mga empleyado, but she still humble and friendly.
Pero pagdating sa trabaho, walang personalan. Kung kailangan niyang maghigpit, walang magagawa ang mga nasasakupan niya. She was young, but matured in personality if work is concern. Isa lang ang kahinaan niya, ang pag-ibig.
Nasa loob siya ng kan’yang kuwarto. Habang nagpapahinga sa malambot na kama ay nagtitipa siya ng cellphone. Hindi niya inaasahan na mag-message ang nakababatang kapatid ng kaibigan niyang si Cristy na si Cathy. Ibinunyag ni Cathy sa kan’ya ang matagal nang secreto ng ate nito at ang boyfriend niyang si Bryan na may relasyon ang mga ito.
Nanginginig ang mga kamay niya sa katitipa ng cellphone dahil binanatan niya ng tanong si Cathy. Hindi pa sana siya maniniwala kung hindi nag-send ng picture si Cathy na magkasama sina Cristy at Bryan. Halata na ang lumulubong tiyan ni Cristy. Uminit ang buong katawan niya at kusang naglandas ang mga luha.
Nalaglag na lamang mula sa pagkakahawak niya ang cellphone. Dinamdam niya nang husto ang sakit na mapagtaksilan ng mga taong mahalaga sa kan’ya. Mahigit sampung taon na naging boyfriend niya si Bryan at nakaplano na sana ang kasal nila pagkatapos ng tatlong taon niyang kontrata sa barko. Si Cristy naman ay best friend niya mula pa noong high school sila.
“You’re both betrayer!” bulalas niya sa gitna ng pag-iyak.
Kung kailan nasa malayo siya at wala siyang mapagsabihan ng problema ay saka pa ito nangyari sa kanya. Ang mommy lang niya na si Hannah ang nakakapagpagaan ng loob niya tuwing nagkakaproblema siya. Hindi gano’n kadaling tanggapin ang lahat at hindi niya alam kung paano ulit magsisimula.
Naligo na siya lahat-lahat at halos baguhin na niya ang anyo sa harapan ng salamin, nandoon pa rin ang sakit. Kumukurot sa dibdib niya, nagpapahirap sa paghinga niya, at hindi niya maawat ang mga luhang lumalandas sa makinis niyang mga pisngi. Hindi niya maiwasang isipin ang ginawa ng mga traidor sa buhay niya.
Gusto niyang matulog at sana’y panaginip na lang ang lahat. Pero hindi niya magawa. Humahalukay sa isip niya ang lahat. Masisiraan siya ng bait kapag patuloy niyang isipin ang katotohanan. Huminga siya nang malalim. Pinalis ng mga daliri ang mga luha.
Hindi ako puwedeng masiraan nang bait dahil lang sa inyo! Ipapakita kong hindi ako ang nawalan. Pagsisisihan ninyo ang pang-aahas sa akin! Sinarili niyang galit.
Nilakasan niya ang loob. Inayos niya ang sarili at lalabas siya para maglibang. Wala rin namang magagawa ang pag-iyak at pagkulong niya sa kuwarto. Sa buong buhay niya, ‘yon lang ang pagkakataon na nasaktan siya pero dahil mag-isa siya, kailangan niyang maging matapang. Naisipan niyang puntahan si Marlon sa bar. Mas mag-i-enjoy siya kapag kasama ang makuwelang bakla. Si Marlon ang unang nag-welcome sa kan’ya noong kasasalta lang niya sa barko.
“Oh wow! Hindi pagod ang lola. Nagawa pang dalawin ako,” ang malamyang bungad ni Marlon sa kan’ya.
Umupo siya sa stainless swivel stool-chair ng bar. Nasa loob ng bar counter si Marlon. May mangilan-ngilang guests na nakaupo roon at tapos nang inasekaso nito. Kahit mag-isa ito sa bar ay hindi ito nahihirapan dahil hi-tech ang ibang mga kagamitan. May robotic machine na nagjo-joggling ng mga mixed liquor at mga beverage. More on push button na lamang ang ginagawa nito.
“Treat me as a guest,” wala sa sariling hiling niya kay Marlon.
“Wow! Galante ah. How may I serve you, Miss Skylor?”
“I need the strongest liquor!”
Nanlaki ang mga mata ni Marlon. “Are you serious?”
Seryosong tumango siya.
“Bangag ka ba, girl? Aanhin mo naman ang alak, aber?” untag nito.
“Iinumin ko syempre,” pilosopong sagot niya.
Napangisi ito. “Uy bruhang maganda! Hindi por que naka-off duty ka, maglalasing ka na. Nakagugulat lang, hindi ka naman dating umiinom ah. May problema ka, ano?”
“Ang dami mo nang nasabi. Magbabayad ako, promise! Ano ba ang pinakamatapang na alak mo diyan? ‘Yong siguradong makatulog ako nang mahimbing at paggising ko umaga na,” aniya,
“Uy! Ang tapang mo, girl. Nakalalasing talaga? Dahil ba day-off mo bukas kaya ka maglalasing?” kastigo nito.
“Nah! Ang tagal mo namang maglatag ng order ko,” angal niya.
“Wait lang! May problema ka ba talaga?” usisa pa nito.
She rolled her eyes. Mukhang ayaw siya nitong pagbigyan.
“Oo na. May problema ako. Napakalaking problema! Kaya, ibigay mo na ang order ko, please!” pakiusap niya rito.
“Oh? Sinlaki ba ng balyena?”
“Isi-serve mo ba o hindi?” bahayang inis na tanong niya.
“Okay! Okay! Wait, may bagay riyan sa napakalaki mong problema,” halos matarantang wika ni Marlon.
Naghanap ito ng alak sa liquor rack. Ilang saglit lang ay inilapag nito sa tapat niya pati ang goblet. Binuksan nito sa harapan niya ang bote.
“Oy, girl! Baka malasing ka rito. Hindi mo ba alam na may company acquaintance party tayo mamayang gabi sa top deck?” anito habang nagbubuhos ng alak sa goblet.
Sa top deck kasi madalas ginaganap ang mga okasyon. May malawak na function area roon at iba pang mga recreational facilities.
“I know! Pero baka hindi na ako makapupunta,” sagot niya.
“No! That’s not an excuse. Allowed ka lang na hindi pumunta kapag naka-duty ka,” anito habang iniaabot sa kanya ang kopita.
Tinanggap naman niya at umimsim muna. Kumusot ang mukha niya’t halos maduwal.
“Ano’ng klaseng alak ‘to?” reklamo niya sa sobrang sama at pait ng lasa ng natikmang alak.
Napangisi si Marlon. “Ang lakas ng loob mong maghanap ng pinakamatapang na alak tapos rerekla-reklamo ka!” pilyong angil nito sa kanya.
Inirapan niya ito bagaman nakangisi. “Ang pait eh!” angal niya.
“Mapait talaga ‘yan sa umpisa. Earthquake ang tawag ng alak na iyan dito sa barko. Mabenta, mapait sa bulsa at masarap ‘yan sa pakiramdam kapag nakarami ka,” napapataas-kilay pang sabi ni Marlon.
“Huh? Expensive ito?” gulat na tanong niya habang nakatingin sa bote ng alak.
“Medyo. Two hundred dollars lang naman ang isang shot niyan,” hayag nito.
“W-what?” Halos iluwa niya ang katiting na nasimsim niya nang marinig ang sinabi nito.
Tawang-tawa si Marlon sa reaksiyon niya. Ilang minuto na hindi niya ginalaw ang kopitang may lamang alak.
“Uy girl, bakit sumusuko ka?” anas na tanong ni Marlon nang bahagyang nilapit ang mukha nito sa kanya.
“Hindi na ako maglalasing,” pagbawi niya.
“Ano ka ba? Go na, hindi ko naman pababayaran sa ‘yo ‘yan. May bilyonaryong guest na bumili niyan kahapon. Dalawa ang binayaran, iniwan ang isa. Bawas na nga ‘yan eh. Kasi may staff tayo na kagagaling din dito bago ka dumating. Siya nga ang kumalahati diyan. Napansin mo, hindi ‘yan puno nang binuksan ko,” paliwanag nito.
Naniwala naman siya sa kaibigan. “So, okay lang na ituloy ko?” pangungumpirma niya.
Tumango ito habang nakahalukipkip.
“Kasalanan ko pa kung hindi kita pagbibigyan. Baka malaman ko na lang, tumalon ka na at nagpalapa sa pating,” pilyong sabi nito.
Napangisi siya. “Salamat, girl!” aniya.
Hinayaan muna niyang umalis si Marlon sa harapan niya dahil inasekaso nito ang kararating na guest. Tama nga ang kaibigan, sa simula lang mapait ang earthquake liquor. Nang sumarap sa panlasa niya ay hindi na niya tinigilan.
“Ano ba kasi ang problema mo?” tanong ni Marlon nang makabalik ito.
“Inahas nila ako,” aniya.
“Natuklaw ka?” birong tanong nito.
“They betrayed me!”
“Omg! Who?” Nagkainteres nito.
“Ng boyfriend at best friend ko.” Diniinan ang mga katagang ‘yon saka sumimsim ulit. “Malamang matagal na nilang ginagawa ‘yon. Tatlong buwan lang akong nawala, parang anim na buwan na ang tiyan ng babae?” nanghihimutok na sabi niya.
“Aay! Naku, malandi siya girl! Best friend mo pa talaga ang nagpatira sa boyfriend mo? Wow, wagas ang trip nila. So, ano’ng plano mo?”
Nagpakawala muna siya ng malalim na hininga saka sumimsim ulit ng alak. Tumamis na ito sa panlasa niya habang mapait pa rin sa puso ang pagkabigo.
“Nothing. Alangan naman makisawsaw pa ako sa kanila. Bahala na si batman. Kung saan ako tatangayin ng buhay ko, susundan ko na lang. May kutob na rin ako noon na parang may something sila, pero hindi ko inakala na totoo pala. Palayain ko na lang sila. Bigyan ko na lang ng kalayaan ang sarili ko.”
Nabigla siya nang pumalakpak si Marlon malapit sa mukha niya.
“Ganyan! Dapat be strong lang, girl,” anitong nakangiti sa kan’ya.
“Maybe we’re not meat to be,” aniyang tinutukoy si Bryan.
“Right. Pero huwag kang papasobra sa alak, girl. Remember, may party pa mamaya. May kaunting inuman din,” paalala nito.
Hindi na niya namamalayan ang paglipas ng oras. Trenta minutos na lang ay mag-off duty na si Marlon. Pinanindigan na talaga niya ang paglalasing. Hindi pa niya ito nagawa sa buong buhay niya. Patikim-tikim lang siya noon ng mga timpladong alak dahil requirements at kasama sa kurso niya. Pero ang lasingan ay hindi kasama sa pinag-aralan niya. Dahil lang ‘yon sa kabiguang hindi niya kinaya.
“Girl! Hey! Are you still in mind?” pamumukaw ni Marlon sa atensiyon niya.
Dumating na ang karilyebo nito. Wala siyang make-up pero naging rosy cheeks siya gawa ng tama ng alkohol sa katawan niya. Medyo nahihilo na siya pero pilit niyang kinakaya.
“May tama na nga ito!” Napailing-iling si Marlon na inaalalayan siya.
Isang oras na lang ay magsisimula na party sa top deck. Hindi na tuloy nakapagpalit ng damit si Marlon. Dumiritso na sila sa elevator. Kaya pa naman niyang maglakad kahit medyo nahihilo.
“Oh! Where are we going?” nagtatakang tanong niya.
“Sa tuktok ng barko. Nandoon na ang mga kasamahan natin. Baka nga tayo na lang ang hinihintay,” tugon ni Marlon.
“Pakiramdam ko, para akong lumulutang,” nakangising sabi niya.
“Baliw ka kasi! Isang patak na lang matutuyuan na ang bote ng alak. Hindi ka pa agad-agad matutumba niyan kasi mga tatlong oras bago totally mag-spread-out ang espiritu ng earthquake. Eksakto lang matapos ang party baka lupaypay ka na,” litanya nito habang inaakyat sila ng elevator.
“Bakit mo pa kasi ako isinama? Mahimbing na sana ang tulog ko ngayon,” paninisi niya.
“Luka-loka! Special mention ka pa nga niyan mamaya dahil newly employed ka rito.”
“Talaga? Ganito pala ang pakiramdam ng lasing, namamanhid ang katawan at kumakapal ang mukha,” napapangising sabi niya.
“Hahaha! Obvious, girl! Kahit nga poster sa salon na dinaanan natin kanina, nginingitian at kinakawayan mo,” ani ni Marlon saka tumawa muli.
Natawa rin siya. “Halata na ba’ng lasing ako, girl?” tanong niya.
“Hindi pa naman masyado, mukha ka lang ewan at ngiti ka nang ngiti kahit sa poste,” anito.
Bumukas ang elevator. Nasa tuktok na sila ng barko. Iginiya siya ni Marlon sa malawak na function area. Open lang ito at napalibutan ng mga spotlight. Tumutugtog na ang sound system at panakanakang nagsasalita ang emcee.
Marami na ang naroon sa mga upuan. Naghanap sila ng bakanteng mauupuan nila. Nakabuntot siya sa likuran ni Marlon. Mahigit isang dipa ang distansiya nila. Napansin niyang bumibilis ang mga hakbang ni Marlon. Binilisan na rin niya ang paglalakad, ngunit may biglang nagkros sa daanan niya.
Matutumba na sana siya patalikod pero maagap siyang sinalo ng nasa likuran niya. Kapit na kapit siya sa magkabilang braso nito. Nagsisimula nang lumabo ang paningin niya kaya hindi niya ito mamukhaan. Pero alam niya na lalaki ‘yon dahil matigas at malakas ang pangangatawan.
“Ano ba ‘yan? Akala ko nakasunod ka lang. Para na akong ewan na nagsasalita, wala na pala akong kausap,” paninermon ni Marlon nang balikan siya nito.
Inalalayan siya ng lalaki na makatayo. Kinausap ito ni Marlon pero hindi na niya naintindihan. Binanggit nito ang pangalan pero hindi niya natandaan. Hinawakan na ni Marlon ang kamay niya at iginiya siya nito papunta sa uupuan nila.
“Siya ‘yong sinasabi ko kanina na uminom ng kalahating alak bago mo naubos. Kung makatitig ka naman sa mga mata niya, wagas! Halika na, maupo tayo!” anito.
“Hindi ko naman siya tinitigan ah,” pangangatuwiran niya. “Inaaninag ko lang ang mukha niya kasi nga naging dalawa siya.”
Natawa ito. “Bangag ka talaga! Paano’ng hindi duduble ang mukha niya eh malakas na ang tama mo. Tiisin mo, malapit na ang raffle draw.”
“Pero, ang sarap niyang yumakap, girl. Parang may uminit sa dibdib ko. Akala ko nga halikan niya ako, hindi ko ‘yon hihindian. Free na ako, he can have me anytime,” nangingising sabi niya.
“Matindi na talaga ng tama mo.” Umiling-iling ito.
Umiinit na ang pakiramdam niya. Nagkakatuwaan sa paligid at maingay na pero wala roon ang isip niya. Gusto na niyang matapos ang party para makapagpahinga na siya. Panay ang pukaw ni Marlon sa atensiyon niya dahil napansin nito na napapapikit siya.
Umaangal siya pero hindi siya nito pinapansin. Wala nang laman ang isip niya kung hindi ay mahiga at matulog. Hindi na niya namamalayan ang mga pangyayari at ang paglipas ng oras.
“Aaay! Hahaha!” Tuwang-tuwa na napatayo si Marlon.
Nagulat siya rito dahil talon nang talon ito sa tabi niya. Panay ang kalabit nito sa balikat niya.
“Ano? N-nanalo ka?” tanong niya habang nilalabanan ang antok.
“Loka, hindi ako, ikaw! Pakinggan mo ang premyo,” anito.
Wala naman siyang pakialam at hindi rin niya maiintindihan ang sinasabi ng emcee.