HANGGANG tingin na lang ni Hymae ang mga empleyadong abala sa paglilinis at pag-aayos ng mga nagkalat at nasirang mga kagamitan sa barko. Wala siyang magawa para tumulong dahil naka-leave siya. Naiinis man siya sa request ni Lorrence na bigyan siya ng leave pero hindi na niya mababawi pa. Nagtambay na lamang muna siya sa bar counter at inaabangan ang bakanteng oras ni Marlon para may makausap siya. Hindi kasi siya maaaring pumasok sa department niya kapag naka-leave. "Juice Mio! Boring ang ganiyan, girl. Kaya ako hangga't maaari ay hindi ko ina-avail ang leave ko. Iniipon ko para sa bonggang bakasyon," malambot na saad ni Marlon matapos nitong pagsilbihan ang dalawang guest. Nakapangalumbaba siya sa counter. Bakas ang matinding pagkabagot sa mukha niya. "Hindi ako sanay na walang ginaga

