MAGRE-REPORT na si Hymae sa trabaho dahil natapos na ang isang linggo niyang bakasyon. Subali't kaagad siyang pinapapunta sa opisina ni Louie. Hindi pa man siya nakapapasok sa opisina nito ay sinasalakay na siya ng kaba. Tuloy pa rin siya. "Remember the day that you made trouble with our valuable guest?" paalala kaagad ni Louie sa kaniya nang makaupo na siya sa visitor's chair. "About Miss Marquez, sir?" pangungumpirma niya. Tumango ito. Tila dismayadong ibinagsak ang likod sa sandalan ng swivel chair nito. "Sad to say na nakarating sa taas ang nangyari. Natural pakikinggan siya ng mga boss dahil mas malaki ang naiaambag niya sa kompanya," anito. Lihim na pumanting ang tainga niya. "But you know what happened, sir. I was trying to avoid her from bullying me. Hindi ko siya papatulan k

