Chapter 5

2415 Words
DUMAONG na sa Europe ang cruise ship kung saan nagtatrabaho si Hymae. Mga pasahero lang ang magde-depart. Ang mga authorized na mga empleyado lang ang puwedeng bumababa. Nakita ni Hymae sa system na naka-departure ang status ni Zandra. Lihim naman siyang natuwa dahil hindi masakit sa mata niya na makita ito na pagala-gala sa barko. Kagagaling niya sa department niya at papunta siya sa opisina ni Louie, ang general manager. Napadaan siya sa coffee shop. Bago tumapat ay natigilan siya nang tumambad sa kanyang paningin ang pamumulupot ng mga braso ni Zandra sa leeg ni Lorrence. Pakiramdam niya’y binuhusan siya ng malamig na tubig. Hindi pa man malinaw kung ano ang ugnayan niya kay Lorrence nguni’t hindi siya natutuwa sa nakikita niyang eksena. Napansin niyang kinakalas ni Lorrence ang mga braso ni Zandra pero hindi siya kumbinsido para kumalma ang lihim na nagwawala sa dibdib niya. Kung magagawa lang niya, kanina pa sana niya hinila ang mahaba at kulot na buhok ng babae. Nakita siya ni Lorrence ngunit mabilis niyang binawi ang pagkakatingin niya sa mga ito saka nagmadaling umalis. Gigil na gigil siya at halos makusot ang folder na naglalaman ng ipapapirma niya sa general manager. “Oh, good morning, Miss Skylor!” bati sa kanya ni Louie matapos niyang batiin. Iniabot niya ang hawak na folder. Kinakausap siya nito nguni’t kung anu-ano ang naglalaro sa isip niya. Sinaway niya ang sarili para hindi siya mahalata. May pinapirmahan siyang approval form ng equipment na ini-inventory niya. “Nice job! Naiwan pang trabaho ni Leah ito at hindi natapos. Matagal ko nang hinihintay ito,” anang manager sa kaniya. Ngumiti siya. “Thank you, Sir!” tugon niya. “You looks elegant!” puri nito habang ibinabalik ang folder. “Appreciated, Sir!” Kahit thirty-six na ang edad ay litaw pa rin ang karisma at kaguwapuhan ng Australian-Filipino na si Louie. Karamihan kasi sa mga empleyado ay mga half-citizen. Amerikano na nakapag-asawa ng pilipina ang may-ari ng barko. Napapansin ni Hymae na madalas ang pagsulyap nito sa mukha niya. Maayos siyang nagpaalam rito bago pa man maglakbay ang mga mata nito sa kaseksihan niya. Hindi na siya naninibago dahil marami siyang nakasasalubong na empleyado o kahit mga guest na napapatingin sa kaniya lalo na kapag lumitaw ang matatamis na mga ngiti niya. Muli niyang binaybay ang hallway at pabalik na siya sa departamento niya. Hindi niya inaasahan ang biglang pagsulpot ni Lorrence at hinawakan ang kamay niya. Marahan siyang hinila nito papunta sa exit kung saan malapit lang sa kinaroroonan niya. May bahagi kasi roon na hindi natatamaan ng cctv camera. “Are you crazy?” inis na bulalas niya matapos kalasin ang kamay mula sa pagkakahawak nito. Malakas ang hangin dahil nasa labas sila ng exit. “Mali ang nakita mo kanina,” bungad nito. Humalukipkip siya. Inirapan niya ito. “Bakit ka nagpapaliwanag? Hindi naman ako nagtatanong,” mataray niyang pakli. “Nakita mo kami ni Zandra. ‘di ba?” Seryoso ito. “So? Ano’ng gusto mong sabihin ko?” “Baka kung ano ang iisipin mo,” alalang sabi nito. “Nagi-guilty ka? Bakit napaka-defensive mo?” angil niya. Hindi lang niya mailabas-labas ang sama ng loob na kanina pa niya pinipigilan. Gusto niyang iparamdam kay Lorrence na hindi siya apektado. Pero ang puso niya ay parang ginugutay-gutay sa sakit nang maalala ang babaeng kumakalantari rito. “I’m just clarifying,” rason nito. “Nasa trabaho pa tayo. Hindi tayo dapat nagkikita nang ganito. Parang pa-easy-easy ka lang kasi,” pag-iba niya sa usapan. “Nagro-roving ako kanina nang lumapit si Zandra,” paliwanag nito. Bumuntong-hininga siya. Tila nangibabaw ang inis niya pero hindi pa rin nagpahalata. “Buksan mo na ang pinto at babalik ako sa loob,” utos niya rito. “We ended up like this?” tanong nito. “Mag-usap na lang tayo mamaya pagkatapos ng trabaho. Ayaw ko sa kuwarto at lalong ayaw ko sa labas,” she demanded. “Sa top deck. Hihintayin kita roon. I-off ko ang ang cctv sa area kung saan tayo magkikita. Hihintayin kita sa entrance,” anito. Binuksan nito ang exit door saka siya lumabas. Tiniis niyang hindi ito lingunin kahit nakakaramdam siya ng pananabik. Sinundan lang siya nito ng tingin hanggang sa maglaho siya. Bumalik siya sa department niya. Naabutan niya si Alice na nakatutok sa monitor sa desk nito. May ilan silang kasama sa loob pero malayo at hindi sila nito maririnig kapag nag-uusap. “May problema ba?” bulong na tanong ni Alice. Hinila niya ang swivel chair niya at inilapit kay Alice. Napansin nito ang madilim na mukha niya. “Ano’ng nangyari? Bakit parang hinulugan ka ng langit?” mga tanong pa ng kaibigan. “I don’t know. Dati hindi ko naman dinadala sa trabaho ko ang ganitong problema.” “Bakit?” “What do you think? Nai-in love na ba ako?” konsulta niya. “Kay Lorrence?” hula nito. “Grabe ang gigil ko kanina nang makita ko si Zandra na yumayakap kay Lorrence. Kulang na lang mabali ang takong ng sapatos ko. Naiinis din ako kay Lorrence, ewan ko ba. Pero kapag wala siya, parang namimis ko siya,” aniya. Napangisi si Alice. “Meaning, in love ka nga sa kan’ya,” bulong nito sa kan’ya. “Pero, sinabi ko sa kan’ya na kapag hindi nagbunga, magkalimutan na kami,” malungkot na sabi niya. “What? Bakit, hindi ba nabuo?” anas na tanong nito. Umiling siya. “Dalawang araw na akong dinatnan,” tugon niya. “Congrats! Tuloy ang career mo,” masayang bati nito. Napangiti siya. Nguni’t hindi niya maintindihan kung bakit biglang nalungkot ang puso niya. Hindi niya pinakita sa kaibigan. “Mamaya pag-lunch, may sasabihin ako sa ‘yo. Baka mapansin tayo ng mga kasama natin dito.” “Okay. Sige, back to work muna tayo.” Ang akala lang ng mga kasama nila roon ay tungkol sa trabaho ang pinag-uusapan nila. Tinuunan muna nila ng pansin ang trabaho. Kaharap niya ang monitor ng desktop niya ngunit hindi niya maiwasang isipin si Lorrence. Ilang oras ang makalipas ay sabay silang lumabas ni Alice. Papunta sila sa second floor para mananghalian. Pumuwesto sila sa medyo malayo sa mga kapuwa empleyado. Nakapag-oreder na sila at kasalukuyang kumakain. Hindi niya akalain na abutan siya ni Alice ng kung ano’ng nakabalot sa maliit na plastic. Kunot-noong tinitigan niya nang mapasakamay na niya. “Ano ‘to?” pagkakuryos niya. “Itago mo muna. Mamaya mo na buksan sa kuwarto mo,” utos nito. Inilagay muna niya sa shoulder bag niya saka itinuloy ang pagkain. Iniba nila ang kuwentuhan. Hindi niya makakasama si Marlon dahil madalas sa bar na ito kumakain kapag hindi busy sa trabaho. “Ano na ang plano mo about sa inyo?” tanong nito at tinutukoy si Lorrence. “Makipagkita ako sa kaniya mamaya.” “Where?” “Sa top deck.” “Good luck ha!” Napangiti lang siya sa sinabi ng kaibigan. Marami na itong naikuwento sa kaniya. Nakikinig lang siya at sumasagot kapag may itatanong ito. Sumisingit kasi sa isip niya si Lorrence. Pinag-iisipan niya kung ano ang sasabihin niya sa pagkikita nila mamaya. Pagkatapos nilang mananghalian ni Alice ay bumalik sila sa trabaho. Tahimik siya sa kaniyang desk. Hindi naman niya napapabayaan ang trabaho niya. Naaalala lang niya si Lorrence kapag nababakante ang isip niya. Pagkatapos ng walong oras na pagtatrabaho ay dumiretso kaagad siya sa kuwarto niya. Ibinagsak niya ang likod sa malambot na kama. Hindi na siya nakapag-dinner dahil tinamad siyang bumaba. Hindi niya namamalayan na nakaidlip na siya. Naglalakad siya sa hallway nang biglang may narinig sa nadaanang guest room. Na-curious siya kaya nilapitan niya ang pinto at pinakinggan. Malakas kasi ang boses na napapasigaw, tumatawa at paminsan-minsang may umuungol. Hindi niya napigilang pihitin ang seradura ng pinto. Hindi naka-lock. Bumukas ito at gulat na gulat siya nang tumambad sa paningin niya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang walang anumang suot si Zandra habang nakaupo sa ibabaw ni Lorrence na wala ring kahit ano na suot. Hindi nakatingin ang mga ito sa kaniya habang natutuwa sa mga ginagawa. Hiyaw nang hiyaw ang babae sa kasarapang nararamdaman nito. BIGLANG napabangon si Hymae mula sa masaklap na panaginip niya. Ang alam niya ay napaidlip lang siya. Labis siyang kinabahan. Naiinis din siya nang maisip ang napanaginipan niya. Napagtanto na dalawang oras pala siyang nakatulog. Kinusot niya ang mahabang buhok. Naalala niya ang usapan nila ni Lorrence. Tumungo muna siya sa banyo para maligo. Kalahating oras bago siya natapos. Noon pa man ay mahilig na siyang magsuot ng dress kapag lumalabas. Purple dress na pantay sa tuhod niya. Fit na fit ito sa hubog ng katawan niya. V-neck ito kung saan litaw ng kaunti ang guhit sa dibdib niya. Pinarisan niya ito ng black na moccasin shoes. Nakalugay lang ang hanggang baywang na buhok niya. Naalala niya ang ibinigay ni Alice sa kaniya. Sandali siyang naupo sa gilid ng kama at hinanap sa loob ng bag niya. Napakusot ang mga kilay niya nang mahawakan ang nakabalot sa plastic. Mahahawakan lang niya ng isang kamay. “Ano ‘to?” na-curious siya. Binasa ang maliit na karton nito. Nagtataka siya kung bakit siya binigyan ni Alice ng contraceptive pill. Napapailing siya habang hila ang mini-drawer sa side-table ng kama. Itinago niya roon. Mayamaya pa’y tumunog ang cellphone niya. Dinukot niya mula sa bag at tiningnan. Binasa niya ang mensahe. "I’m already here on the top deck," mensahe ni Lorrence. Bumuntong-hininga siya saka ibinalik sa bag ang cellphone. Tumayo siya habang isinusukbit sa balikat ang bag. Lumabas siya ng kuwarto niya at tinungo ang elevator. Humalukipkip siya habang itinataas ng elevator. Makalipas ang ilang minuto ay bumukas ang pinto ng elevator. Lumabas siya. Wala pang isang hakbang ay sinalubong na siya ni Lorrence. Wala siya sa mood para ngitian ito kahit napakasarap ng ngiti nito sa kan’ya. “Good evening, my princess!” bati nito sa kan’ya. Hindi siya sumagot. Inilahad nito ang kamay pero hindi niya tinanggap. Nagsenyas na lamang ito na sumunod siya. Hindi niya inaasahan na maghanda ito ng candle light dinner. “Ano’ng ibig sabihin nito?” nagtatakang tanong niya. Hinila nito ang upuan para sa kan’ya. Hindi naman niya natanggihan. Umupo muna siya. “Hindi kasi kita nakita sa restaurant kanina kaya naghanda na ako ng dinner natin dito,” anito. “Hindi ka na sana nag-abala pa. May sasabihin lang naman ako,” seryusong sabi niya. “Please! Kahit ngayong gabi lang,” pakiusap nito. Wala siyang nagawa kung hindi ay pagbigyan ito. Inasekaso siya nito. Nag-order ito ng beef steak para sa dinner nila at isang bote ng white wine. “Sigurado ka ba’ng walang makakakita sa atin dito?” dudang tanong niya. “Trust me! Ako ang may control sa security rito. Kumain ka lang. Alam kong isa ‘yan sa paborito mo.” “Paano mo nalaman?” “Tinanong ko kay Marlon,” nakangiting sabi nito. “Siniseryuso mo na talaga ang pag-stalk sa akin,” aniya habang mahinhin na tinutusok ng tinidor ang karne. “Seryuso na kasi ako sa nararamdaman ko para sa ‘yo,” tugon nito. “Dapat hindi.” “Why not?” “May aaminin ako…” Sumubo muna siya. Naghihintay ito sa sasabihin niya. “Naaalala mo ba ang sinabi ko?” tanong niya. “Like what?” “Walang nabuo sa nangyari sa atin,” aniya. Biglang nanlumo si Lorrence. Alam kasi nito ang kondisyon kapag gano’n ang mangyayari. Napansin niya ang kalungkutan sa mukha nito. Hindi niya alam kung paano babawiin ang nasabi na niya. “Talaga ba’ng paninindigan mo ang sinabi mo?” mahinang tanong nito sa kan’ya. Hindi siya kaagad nakasagot. Hindi rin niya matingnan sa mga mata. Bumagal ang pagnguya niya at nanlalim ang iniisip. “What if, I’ll disagree?” seryusong tanong nito. “Habang maaga, putulin na natin ‘to.” May gumuhit na sakit sa puso niya. Bigla siyang napatayo at iniwan ang upuan. Sinunudan siya nito at hinawakan ang kamay niya. Nakatalikod siya rito. Nakaharap siya sa terrace. “Ngayon pa ba kita susukuan? Hindi mo kasi alam kung paano mo binago ang buhay ko. Ang pagkatao ko. Sa ‘yo lang naman ako nagkaganito. Hindi ko na maitatago… mahal na kita, Hymae!” hindi napigilang sabi nito. Ayaw niyang ipakita ang mga luhang naglandas sa mga pisngi niya. Aminado siya, masakit para sa kan’ya ang naging pasya niya. Dahil hindi niya masabi pero nararamdaman na niya. Mahal na rin niya ito. Marahang hinila siya ni Lorrence. Niyakap siya nito. At alam nito na lumuluha siya. Wala siyang planong magsalita. “Don’t deny it, please! Hindi mo maikakaila sa akin kung ano ang nararamdaman mo,” anito. “Bakit? Bakit, Lorrence? Nahihirapan ako kapag napapalapit ka sa ibang babae.” “Nagseselos ka kasi hindi mo maamin na mahal mo na ako.” “Trust me. Kung may pagnanasaan man akong babae, ikaw lang ‘yon. Kung nagseselos ka kay Zandra, kahit kailan hindi ko siya pinag-isipan ng kung ano. Nirerespeto ko lang siya.” Bahagya siyang lumayo at tumingala sa mukha nito. Hinagod ng mga daliri nito ang namamasang pisngi niya. Hindi siya makawala sa malagkit na mga titig nito. Nahihirapan siyang gumalaw kapag napako na ang mga mata niya sa mga mata nito. “Hindi ako mag-a-I love you sa ‘yo,” buo ang loob na sabi niya. Napangisi ito. “Ayos lang. Ang mahalaga, nararamdaman mo ako sa puso mo. Basta alam ko na akin ka lang. Sana ‘wag kang mapalapit kay Mr. Yama,” anito. Napangisi siya nang marinig ang huling sinabi nito. “Paano naman napunta sa usapan natin si Sir Hashi?” “Sumama kasi ang loob ko nang makita ko kayong nag-uusap. Mukhang may something siya sa ‘yo,” amin nito. “Nagseselos ka?” “Bakit hindi? Gusto ko kasi ako lang ang magmamay-ari sa ‘yo.” Kinabig siya nito at niyakap nang mahigpit. “Mas malala pa nga ang ginagawa n’yo ni Zandra!” halungkat niya. “See? Mahal mo nga ako. Nagseselos ka e.” “Oo na! Selos na kung selos. Ayaw ko kasi na may ibang sumasawsaw.” Napakagat-labi siya. “Panghawakan mo lang ang sasabihin ko. Trust me!” Hindi na siya nakakibo. Tinutop na ng mga labi nito ang mga labi niya. Tila mundo na lamang nila ang umiikot. Hindi na tuloy nila namalayan na may napadaan at napatingin sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD