Chapter 9

2600 Words
PABALIK na si Hymae sa cabin niya nang makasalubong niya si Hashi sa hallway. May kasama itong lalaki, tantiya niya ay bodyguard nito o alalay. Matamis na ngiti ang sinalubong nito sa kaniya. Papalapit pa lang sa kaniya ay magiliw na siyang binati nito. “Nice to see you again, Miss Skylor!” bati ni Hashi. Naniningkit ang mga mata nito sa kangingiti sa kaniya. “Same to you, Mr. Hashi! How’s your day?” masayang bati niya rito. Ngumiti rin siya sa kasama nito. Mukhang pinoy ang awra nito. “Anata wa hontou ni utsukushii desu!” tuwang puri nito sa kan’ya. Napanganga lang siya nang hindi maunawaan ang lenguwahe nito. Bahagyang lumapit ang lalaking kasama ng Hapon. “Napakaganda n’yo raw po, ma’am,” pagsasalin ng lalaki. “Huh? A-eh, thank you very much, sir!” Napangisi siya. “Nakakaintindi siya ng tagalog pero hindi makapagsalita nang deretso,” paliwanag ng lalaki. “Ako pala si Rey,” pagkuwa’y pakilala nito. Nakangiti si Hashi. “Did Zandra Marquez invited you for her birthday on Tuesday night?” tanong ni Hashi sa kaniya. Tumabang ang ngiti niya. “No, sir. How about you?” “Yes, she invited me.” “Ako rin, ma’am, invited,” sabat ni Rey. Don’t tell me puro lalaki lang in-invite niya. Pati ang guwapong alalay ni Hashi ay imbitado. Wow huh! Mukhang exclusive for boys lang yata. Hindi ito nabanggit ni Alice. “Are you alright, Miss Skylor?” tawag-pansin ni Hashi sa kaniya nang mapatameme siya. “Y-yeah! Nice to hear that. Good luck to both of you!” Wala na siyang maisip na sasabihin. Hindi nagtagal ang pag-uusap nila. Nagpaalam na siya sa mga ito at nagpatuloy sa kaniyang kuwarto. Hindi niya maiwasang isipin ang tungkol sa kaarawan ni Zandra at duda niya ay para lamang sa mga kalalakihan ang pagdiriwang nito. Not an insecurity ang nararamdaman niya. Iniisip lang niya kung paano naha-handle ni Zandra ang bagay na iyon. Masyado na siyang nag-isip nang hindi maganda. Isa na sa inaalala niya ay baka hindi makatanggi si Lorrence kapag inanyayahan na nito. Kaagad niyang ini-message kay Alice at itinanong kung pati ba si Jake ay inimbita rin ni Zandra. Wala pang isang minuto ay nag-reply ang kaibigan. "Yes. Nakakainis nga eh. Kasasabi lang ni Jake sa akin. Tinatanong pa nga ako kung papayagan ko raw ba siya." Ang mensahe ng kaibigan. Ekseheradong napabuntong-hininga siya at napaupo sa gilid ng kaniyang kama. Nagtitpa siya ng cellphone para reply-an si Alice. Pinag-usapan nila ang nalalapit na kaarawan ni Zandra. Abala pa siya sa pakikipagpalitan ng mensahe kay Alice nang biglang tumunog ang doorbell niya. Sa cellphone pa rin siya nakasulyap habang dinadako ang pinto. Wala sa loob na binuksan ito. “Um! Busy ka yata,” salita ng bumungad sa pintuan. Si Lorrence ang dumating. Pinadala muna niya ang mensahe saka hinarap ang kasintahan na naghihintay sa nakabukas na pinto. “Come inside,” alok niya rito at saka isinara ang pinto. “We need to talk.” Naunang naglakad si Lorrence at naupo sa gilid ng kama. Sumunod naman siya at naupo sa tabi nito. “Mukhang may problema ka.” Napansin nito na tila nababalisa siya. Seryoso ang mukha niya. “May invitation ka ba from Zandra on her birthday?” kaagad na tanong niya. Tumango ito. Kinabahan siya. “So, pupunta ka?” alanganing tanong niya. “That’s why I’m here. We’re in a relationship. Dapat lang na hingiin ko ang approval mo.” “Don’t tell me, kalalakihan lang ang iniimbita niya.” “Yes. Dati na niyang pakulo iyan. Magmula nang maging endorser siya nitong barko, she celebrate her birthday here every year.” Dumilim ang mukha niya. “I see.” “You looks so sad,” pansin nito sa kaniya. “Yes, inaamin ko na nag-aalala ako baka maagaw ka niya sa akin. As I see, siya ang babaeng makukuha niya ang lahat ng gusto niya.” Napangisi si Lorrence. “Tama ka. But not to break us.” Lihim naman siyang natuwa sa narinig niya kahit nag-aagaw ang lungkot at pagkabalisa sa puso niya. Masuyong kinuha ni Lorrence ang kamay niya at pinisil-pisil. “If you hindered me to come, ikaw ang pakikinggan ko.” Napatingin siya sa mukha nito. “What if pakiusapan ka ng management? Ikaw pa naman ang special guest na ni-request ni Zandra. Seems like hindi matutuloy ang birthday celebration niya kapag wala ka,” walang galak na sabi niya. “Papayag ako kung kasama ka sa party.” “What if she will not allow me?” “Wala siyang magagawa. Siya rin naman ang mawawalan.” “Isa pa, mahahalata niya na may namamagitan sa atin.” Napuno siya ng pag-aalala. “No. Pupunta naman si Jake at siguradong isasama niya si Alice. We are group to come at iisipin nila na close tayo.” “But, I told her already na hindi tayo gaanong magkakilala.” “Maraming paraan kung nanaisin. Sigurado iyan na top management ang kakausap sa akin. Ako ang bahala kapag nagpumilit sila.” “Talaga palang adorable at halos sambahin ng kompanyang ito ang Zandra na iyon.” “Magmula kasi nang maging endorser siya ng barkong ito, gumanda ang sales at naging kilala sa buong mundo ang luxury ship na ito. Kaya, malaki ang pasasalamat ng management sa kaniya.” “Wow! Now I know.” “Hindi ka na ba busy? Puwede na ba kita yayain?” Iniba nito ang usapan. “Where?” “Surprise na lang.” “May pa-surprise ka pang nalalaman. Hindi ba puwedeng sabihin mo na ngayon?” “Hindi na surprise ‘yon kapag sinabi ko.” “O siya, sige na nga! Basta hindi masamang surpresa, go ako.” Ngumisi ito. “Ikaw talaga. Let’s go na?” Tumango siya at naunang tumayo. Cellphone at susi lang niya ang dala niya na nilagay sa purse niya. Sumunod siya kay Lorrence. Hindi lang niya maiwasan na isipin kung ano ang pakulo nito. Dumaan sila sa exit sa dinaanan din nila kahapon. Pababa sila sa bottom deck. “Babalik ba tayo sa cabin mo?” tanong niya. “Hindi. Pero same deck lang.” Nauuna ito sa pagbaba dahil nakaalalay ito sa kaniya habang pababa siya ng hagdan. Hindi na nararating ng mga guest ang parteng iyon at mangilan-ngilang empleyado lang ang pinahihintulutan na bumaba roon. “Sigurado ka bang walang makakakita sa atin dito?” nag-aalalang tanong niya. “Meron din. Pero sila ang mga empleyadong hindi exposed in public. Dito lang umiikot ang buhay nila. Puwede silang umakyat pero iilan lang ang nakagagawa niyon. Sa sobrang pagod sa trabaho, wala na silang panahon para mamasyal,” paliwanag nito. Tuloy sila sa pagbaba. Bahagya siyang nahirapan sa fitted dress niya na nagfi-fit ang laylayan sa mga binti niya. Nahirapan siyang ihakbang pababa ng hagdan. Lagi lang nakaalalay si Lorrence at hawak nito ang isang kamay niya. Pagdating sa baba ay naglakad pa sila ng ilang metro. Nilampasan nila ang cabin nito. Nakahawak pa rin ang kamay nito sa kamay niya. Nang mapansin niya na may tumawid na lalaki sa crossing ng hallway bandang unahan ay maagap niyang kinalas ang kamay niya sa kamay nito. “Kahit may makakita sa atin dito, wala silang pakialam,” pangangatuwiran nito. “Kahit na. Mabuti na ang nag-iingat,” giit niya. Ngumiting napailing-iling ito. Hinayaan na lamang siya nito habang tuloy sila sa paglalakad. Lumiko ito sa kaliwa. Sumusunod lang siya rito. Ilang hakbang pa ay narating nila ang malaking pinto na may tatlong dipa ang lapad at ten feet ang taas. Naglabas ng susi si Lorrence. Nagtataka siya kung bakit marami itong alam sa ilang bahagi ng barko. Tahimik muna siyang nagmamasid. Pagkabukas ay nagtataka siya kung bakit madilim sa loob. Nauna itong pumasok. Hindi siya umalis sa kinatatayuan niya. “Let’s go!” tawag nito sa kaniya. “Ang dilim eh. Ano ba ang meron dito?” curious na tanong niya. Binalikan siya nito at hinawakan ang kamay niya. Hinila siya nito papasok at saka isinara ang pinto. Sinalakay siya ng takot at humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay nito. “Basta sumunod ka lang.” Wala siyang nagawa nang hilahin siya nito sa loob. May inilabas na mini-flashlight si Lorrence. Sinusundan lang niya ng tingin ang pagtutok nito ng ilaw sa dingding. Nailawan ang isang breaker sa dingding. Hinawakan at pinihit nito paitaas. Lumiwanag ang paligid. Napakalas ang pagkakahawak niya sa kamay nito at tuwang natutop ang bibig nang mamangha sa nasilayan. Lumapit siya sa naglalakihang salamin na nakapalibot sa malawak na silid. Kitang-kita kasi niya nang malinaw ang mga nilalang sa ilalim ng dagat. Pakiramdam niya ay sumisid siya sa kalaliman ng karagatan at pinapanood ang mga lamang-dagat. “Nagustuhan mo ba?” tanong nito habang nakabuntot sa kaniya. Hindi makaimik na tumangu-tango siya. Halos hindi maisara ang bibig sa kamamangha niya. Tuwang-tuwa siya sa nakikita. “Hindi pa ito nabubuksan sa public. Magiging underwater park ito after six months,” paliwanag nito. “Really? Wow! Papasyal ako dito palagi. Paano naman makakapunta ang mga bisita dito?” “Nararating ito ng elevator. Pero sa ngayon, hindi pa naka-open. Isa ito sa ipo-promote ni Zandra. Pandagdag promotion sa industry na ito.” “Teka, bakit parang ang dami mo yatang nalalaman tungkol sa barko na ito?” nagtatakang tanong niya. “Isang dekada ko nang nililibot ang barko na ito. Siyempre, as a security officer, dapat alam ko ang pasikut-sikot dito.” “Ang suwerte ko naman pala. Nagka-boyfriend ako ng security na maraming access sa kabuuan ng barko,” tuwang saad niya. “At guwapo pa,” dagdag nito. Ngumiti siya. Malawak din ang loob nito. Kaya nitong mag-accommodate ng isang libong tao. May mangilan-ngilang kagamitan na naroon na. Magkakaroon kasi ito ng restaurant na open lang. May mga entertainment din na related sa underwater. “Bilyunaryo na siguro ang may-ari ng barkong ito, ano? Karamihan pa naman sa mga guest ay millionaire or billionaire. Mga taong hindi nanghihinayang sa mga salaping pinapakawalan nila.” “Siyempre. Saan naman nila ilalaan ang pera nila kung hindi nila gagastusin? Kaya nga sila nagpakayaman para maranasan nila ang ganitong leisure sa buhay.” Sa tanawin pa rin siya nakatingin. “Kung ako naging milyonarya pagkatapos ng kontrata ko dito, ibibigay ko na lang sa charity at magpapatayo ako ng foundation para sa mga mas nangangailangan,” pagbabahagi niya ng kaniyang ideya. “That’s great idea. Sang-ayon din ako sa opinyon mo. Pero, ang unang gagawin ko kapag nakababa ng barko, pakakasalan kita,” nakangiting wika nito. Napalingon siya rito. “Serious? Hindi pala ako magiging bilyonarya kung ikaw ang mapapangasawa ko,” pilyang turan niya. “Itataya ko sa lotto lahat ng naipon ko sa loob ng sampung taon.” Natawa siya sa sinabi nito. “At kapag minalas ka, mangangalkal na lang tayo ng basura at magtulak ng kariton.” “Okay lang basta nagmamahalan tayo. Yayakapin kita nang mahigpit sa loob ng kariton.” sinakyan nito ang biro niya. Natutuwa siya dahil para silang mga bata na nagbibiruan at palamangan ng nakatutuwang pangarap nila. Hanggang sa mabaling ang atensiyon nila sa tanawin. May malaking itim at may white dots na nilalang kasi na dumaan sa salamin. Halong tuwa at pagkagulat ang naramdaman niya. Unang pagkakataon na makakita siya ng malaking butanding. Halos masakop nito ang kabuuan ng salaming dingding ng barko. “Hindi siya nanakit o naninira ng barko. Mabait na nilalang ang butanding. Mga balyena o pating ang nakatatakot. Pero bibihira na lumapit sa malalaking barko,” paliwanag nito. “Grabe, kinabahan ako kanina. Akala ko kung ano na.” Kinuhanan niya ng pictures ang mga nakikita niyang kakaibang nilalang sa tubig. Tuwang-tuwa siya sa ginagawa. Masaya naman si Lorrence para sa kaniya. Tinulungan pa siya nito para kuhanan siya ng picture. Umaandar kasi ang barko kaya mabilis ang paglisan sa tanawin at paiba-iba ang mga nakikita niya sa labas. “Hinding-hindi ko malilimutan ang part na ito ng buhay ko,” tuwang saad niya habang isa-isang tiningnan ang mga picture sa cellphone niya. “Isa ba ako sa hindi mo makalilimutan?” Napatitig ito sa mukha niya habang bahagya siyang nakayuko at nakatutok sa cellphone. Saglit niyang sinulyapan ang mukha nito at pagkuwa’y itinuon muli ang tingin sa mga larawan. “Of course! Paano ko malilimutan ang taong nagpasaya sa akin. Lalo na ngayon.” “Hindi ka man lang ipinasyal ng ex mo sa mga lugar na kakaiba katulad nito?” Umiling siya. “Hindi. Dating in the same place. Nakakasawang lugar at halos magkasawaan na kami ng mukha. Walang kabuhay-buhay. Pero nagtagal naman kami kahit papaano.” He smirked. “Sukatan ba ang tagal ng relasyon para magkatuluyan?” “It depends. Nasa pares naman kasi iyan. Kapag tiwala ang nawala, pati pagmamahal mabubura na rin,” aniyang tinuon ang tingin sa mukha ni Lorrence. Namumungay naman ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya. “Did you trust me?” Nangungumbinsi ang mga titig nito. “It depends on how you treat me. Kung ipararamdam mo sa akin na karapat-dapat kang pagkatiwalaan, why not?” “Paano naman kung manaig ang pagkaselosa mo?” “Kaya nga dapat hindi mo ako bibigyan ng dahilan para magselos.” “Kung bakit kasi isinilang akong guwapo,” pilyong wika nito sabay ngisi at humalukipkip. “Ang lakas yata ng hangin ah!” nakangising biro niya. “Tara na nga! Bumalik na tayo sa taas.” “Nagsawa ka na ba sa kapapanood sa mga alaga ko sa labas?” “Hindi naman. Baka ma-in love ang mga pating sa iyo. Magkakaroon pa ako ng karibal.” “Kung gusto mo, magpakasal na tayo dito.” Bigla siyang napalingon dito buhat sa kapapanood niya sa labas. “Wala akong ibang pangarap na wedding reception maliban sa garden ng mga cherry blossom. Gusto ko kasing natural na naglalaglagan ang mga cherry blossom’s petals habang nagmamartsa ako papunta sa groom ko.” Kumislap ang mga mata niya habang nangangarap. “Hindi mo type ang underwater wedding? Para sana mas kakaiba,” suhistiyon nito. Umiling siya. “No other than cherry blossom garden. Hindi pa ako nagkaka-boyfriend, pangarap ko na iyan.” “Kung papayag ka next week, punta tayo sa Japan or Korea para magpakasal.” Napatingn siya sa mukha nito nang marinig ang sinabi nito. “Ang bilis naman. Hindi ba puwedeng after na lang ng kontrata ko?” “Baka ma-expired na ang edad ko niyan. Puwede ba bawasan ng dalawang taon?” nakangising hiling nito. “Hindi ko maipapangako. Kung nagmamadali ka nang makapag-asawa, madali naman akong kausap eh.” Humalukipkip siya sabay iwas ng tingin. Humarap ito sa kaniya. “Ikaw nga ang gusto kong mapangasawa. Maghihintay na lang ako.” Natutuwa siya sa umamong mukha nito. Humarap siya at yumakap dito. Tumugon naman ito ng yakap sa kaniya. Makalipas ang ilang minuto ay naisipan na nilang lumabas. Niyaya siya ni Lorrence na sa cabin muna siya nito mamalagi at sabay silang maghapunan. Habang nasa hallway na sila papunta sa cabin nito ay bigla nilang nasalubong si Jorge. Gusto niyang umatras at lumayo kay Lorrence ngunit hinawakan siya nito sa kamay at pinigilan. Nakangiting sumalubong sa kanila si Jorge kasama ang babaeng ka-holding hands nito. “Hey Rence! Is that your girl?” tuwang pansin ni Jorge kay Lorrence. Hindi niya alam kung paano ito tingnan nang deretso. Nangangamba siya baka matandaan siya nito at pansinin ang ugnayan niya kay Lorrence. Panay ang sulyap at ngiti sa kaniya ng babaeng kasama nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD