NIKAY "Bakit po, tita? Kilala n'yo po si Ate Nikki?" What a stupid question. Of course, she knew. Kilala ang Benedicto Group of Company sa industriya ng business at lahat ng hawak nitong modelo na ini-endorso ang produkto ng kumpanya ay sumisikat. Kaya nga hindi ko rin masisisi si Ate Nikki kung bakit hindi niya maiwanan ang pagmomodelo dahil Benedicto ang nagpasikat sa kanya. The company made her name and brought her to fulfill her dream. Binalingan ako ni Tita Cecil. Ngumiti siya pero alam kong pilit. "Isang sikat na modelo ang kapatid mo, Nicah kaya kilala ko siya. Walang hindi makakakilala sa hawak ng mga Benedicto," sagot nito. Pero bakit parang may kahulugan ang huli nitong sinabi? Gaano nga ba kaimpluwensyang tao ang mga Benedicto? Sa totoo lang ay hindi ko na pinagkaabalahan

