NIKAY Hindi agad ito nakasagot. Naging malikot ang mata nito at hindi magawang tumingin sa akin, na kapag ginawa nito ay malalaman ko na tama nga ang hinala ko. "Ate, answer me. Are you cheating, Kuya Thaddeus?" I asked again. Lumapit siya sa akin at akmang kukunin ang phone na hawak ko pero agad akong lumayo at iniwas ang kamay ko para hindi niya ito makuha. "What the hell, Nikay? Give it back to me!" asik niya sa akin. Masama na rin ang tingin na pinupukol niya sa akin. "No!" Natigilan siya sa pagtaas ko ng boses. Hindi siguro niya inaasahan na magagawa ko siya pagtaasan ng boses. Kilala niya ako na kahit prangka at ako pa ang sumisermon sa kanya ay hindi ko pa siya nagawang pagtaasan ng boses. Pero iba ang sitwasyon ngayon. Parang hindi ko matanggap na niloloko niya si Thaddeus

