Lumabas ng banyo si Sebastian pagkatapos maligo. Hubot hubad siyang naglakad papunta sa closet niya. Kumuha siya ng damit at nagbihis. May kikitain siya ngayong umaga kasama ang mga magulang niya na sina Robert and Danielle Andersen. Bibisitahin nila ang lola niyang maysakit. Kaya bumalik siya sa England para bisitahin ito. Inatake kasi ito sa puso. Matanda na ito. Nasa edad na otsenta y nuebe na ito. Mahal na mahal niya ito at alam niyang mahal na mahal din siya nito kahit hindi sila totoong magkadugo nito dahil isa lamang siyang ampon ng mag-asawang briton na sina Robert at Danielle. Itinuring siyang parang tunay na anak at apo ng mga ito kaya malaking pasalamat niya sa maykapal na ito ang ibinigay sa kanya. Maliban sa pagmamahal na ibinigay ng mga ito sa kanya ay sa kanya din ipinama

