Tahimik na binabaybay nila ang daan papuntang mansion ni Sebastian. Nakatulog ang anak niya sa byahe habang siya ay nakatingin sa labas ng bintana at pinapanuod ang tanawin sa labas ngunit wala doon ang isip niya. Lumipad ang isip niya sa kung ano ang magiging buhay nila ng anak kasama ang ama nito. Siguradong mamahalin ito ng ama dahil nakikita naman niya kung gaano ito kasaya ng makita ang anak nito. Ngunit maging masaya kaya siya sa piling nito? Hanggang kailan siya mananatili sa lugar ni Sebastian? Ano ang magiging papel niya sa buhay nito? 'Yan ang hindi pa niya alam. Naputol ang pagmuni-muni niya ng biglang napashit ang driver. Tiningnan niya ito at nakita niya ang takot sa mukha nito. "Manong anong nangyari?" "Nasira ang break, Lauren." Sagot nito habang patuloy sa pagmamaneho. An

