Chapter 20

1298 Words
Napahawak si Lauren sa kanyang ulo ng pagbangon niya masakit iyon. Bumalik siya sa pagkakahiga habang hinihimas ang ulo. Bakit ang sakit ng ulo niya? Pilit niyang inaalala ang nangyari ng nagdaang gabi. Nagkakatuwaan sila. Nagkakantahan at nag-iinuman. Nalasing yata siya kagabi kaya ang nararamdaman niya ngayon ay hangover. "Mommy,look." Pukaw ni Sieve sa kanya. Ipinapakita nito ang isang toy. Nagpapansin sa kanya. Dumilat siya at tiningnan ito. Nakangiti itong nakatanghod sa kanya. Napangiti naman siya at hinalikan ito. Si yaya Selma ay nakaupo habang hawak hawak nito ang pagkain ng anak. "Pasensya na Lauren. Ang kulit kasi nitong anak mo. Pinapakain ko sa labas mayamaya pumunta talaga rito sa kwarto." "Okay lang ho iyon ante Selma." "Go to yaya Selma and eat." Utos niya sa anak. Tumalima naman ito. Lumabas ang dalawa at doon sa sala tinapos ang pagkain. Ang likot kasi ng anak niya. Nag-inat siya ng mga braso ng makabangon at pumunta sa banyo para umihi at maghilamos. Kumuha siya ng sabon at sinabonan ang mukha habang nakaharap sa salamin. Nagulat siya ng mapansin ang kaliwang kamay na may may bagong singsing na nakasuot sa palasingsingan niya. Napatigil siya sa ginagawa at tiningnan ang singsing. Kanino 'to? Wala siyang naalala na may singsing siyang ganito. Mukha itong isang wedding ring. Pero paano ito napunta sa daliri niya? Pilit niyang inaalala ang nangyari kagabi ngunit wala siyang maalala. Sobrang nalasing siguro siya kaya wala siyang maalala. Ngunit wine lang ang ininom niya imposibleng malasing siya ng ganon. Dali-dali niyang tinapos ang paghihilamos at pinunasan ang basang mukha ng tuwalya. Bigla siyang kinabahan. Hindi maari. Imposible. Lumabas siya ng kwarto at naabutan niya sina Cecilia at Martin sa may kusina na nagkakape. "Good morning Lauren." Sabay na bati nina Martin at Cecilia sa kanya na nakangiti. Hindi siya sumagot. Humugot muna siya ng malalim bago nag-umpisang magsalita. "Paggising ko kanina ay may suot na akong wedding ring. Kayo ba ang naglagay nito sa daliri ko?" Mahina ngunit may diin niyang tanong at seryosong tinitigan ang mga ito. "Oh dear, wala ka bang naalala sa nangyari kagabi?" Umpisa ni Cecilia. Tumindi naman ang kabang naramdaman niya. "Ang naalala ko ay nagkakantahan lang tayo." "Well, enjoy na enjoy ka kagabi. Halos hindi mo na nga ibigay sa amin ang mic. Siguro dahil medyo lasing ka na." "Diritsohin ninyo ako. Bakit may singsing sa daliri ko?" Naiinis ng sabi niya. "Dahil sa kalasingan mo pinipilit mo na si Martin na magpakasal sa iyo." "Ano? Hindi totoo iyan. Imposibleng mangyari iyon at imposibleng makakalimutan ko ang nangyari lasing ako." Tumaas na ang boses niya. "Iyon din ang paniniwala namin na maalala mo parin ang mga ginawa mo. Imposibleng makalimutan mong pinilit mo siyang pakasalan ka. Hindi siya pumayag dahil alam mo na tanggap na niyang hindi kayo at isa pa may iba naman siyang gusto ngunit hindi mo siya tinantanan. At nagkataon naman na isa sa mga bisita natin ay ang judge ng bayan kaya napilitan nalang si Martin na pumayag. Pumayag na rin kami total gusto naman namin si Martin para sa iyo." Mahabang paliwanag nito na nakangiti. "No, hindi totoo ang lahat ng mga sinasabi mo. Nagsisinungaling lang kayo. Pinaglalaruan niyo lang ako." Nagsisigaw na siya sa galit. "Totoo lahat ng sinasabi ko kahit tanungin mo pa ang ibang andito." Pakiramdam niya ay nalinglang siya ng mga ito. Kung totoo ang mga sinabi nito bakit pinayagang makasal sila na alam naman ng mga ito na lasing siya. Tumayo sa Cecilia at may kinuha. Bumalik itong may dalang papel at inilapag sa harap niya. "Kopya ng marriage contract ninyo. Isa sa iyo at isa rin kay Martin." Nanginginig ang kamay niyang kinuha iyon at binasa. Nakita niyang kanya nga ang signature doon. Gustong tumulo ang luha niya sa galit. Galit sa sarili dahil nangyari ang ganon dahil sa katangahan niya at galit para sa mga ito dahil alam niyang plinanong lahat ng mga ito ang nangyari. Galit na galit niyang hinarap ang mga ito. "Mga walang hiya kayo. Plinano niyong lahat ng ito. Kahit anong mangyari ay hindi mo ako magiging asawa Martin. Over my dead body." Singhal niya kay Martin sa nangingig na boses. Gusto niyang paghahampasin ang mga ito ngunit pinigilan niya ang sarili. "Asawa mo na ako ngayon Lauren. Ngunit hindi kita pipiliting gampanan ang pagiging asawa mo. Alam kung lasing ka lang at kasalanan ko rin na nagpapilit ako sa iyo. I'm sorry." Seryosong saad nito sa kanya. Nagngingit siya sa galit ng hubarin niya ang singsing at itinapon ito sa imo ni Martin saka iniwan ang mata ito. Pinabayaan niyang pumatak ang luha niya ng makapasok na sa kwarto. Tumatahip parin ang dibdin niya sa galit. Hindi siya makapaniwala na sa mga oras na iyon ay may asawa na siya. Anong gagawin niya? Hindi niya matatanggap ang lahat ng iyon. Kailangan niyang umalis sa pamamahay ng mga ito. Hindi na siya makahinga pa kung mananatili pa siya sa bahay na ito. Dali-dali siyang nag-empake ng mga gamit nila ng anak. Pagkatapos makapag-empake ay tinawag niya si Selma. Napatingin ito sa mga malalaking bag na ibabaw ng kama niya. "Aalis muna kami ante Selma. I'm sorry pero kita pwede isama sa pupuntahan namin. Pero pangako,kung kailangan ko uli ng yaya ni Sieve ay tatawagan kita." Paliwanag niya rito. "Bakit kayo aalis? Anong nangyari?" Naguguluhang tanong nito. "Mahabang istorya ante Selma. Ayoko na sa pamamahay na ito. Minamanipula nila ang buhay ko. Ipinakasal nila ako kay Martin kagabi habang nalasing ako." "Susmaryahosep" napatda ito sa nalaman. "Akala ko nagkakatuwaan lang kayo kagabi. Iyon pala may ginawa na sila sa iyo. Mga walang hiya ang mga iyon." Bumuntong hininga siya. "Saan naman kayo pupunta kung aalis kayo rito?" Nag-aalalang tanong ni Selma. "Sa kaibigan ko ho. Huwag ho kayong mag-alala dahil okay naman amg maging kalagayan namin doon." "Sige pero mag-ingat kayo. Uuwin na rin ako sa amin pagkaalis niyo." Maluha-luhang wika ni Selma. Kinuha nito si Sieve at niyakap at hinagkan. Inilabas ni Lauren ang cellphone. Akmang tatawagan na niya ang driver ni Sebastian para magpasundo. Ibinigay ni Sebastian sa kanya ang cellphone number ng driver nito incase magbago daw ang desisyon niya at nandoon na ito sa bahay pagbalik ni binata. Idadial na sana niya ng sumungaw sa pintuan niya si Leon at Cecilia. Napansin nito ang mga bag sa ibabaw ng kama niya. "Saan ka pupunta Lauren?" Tanong ni Leon. "Sa tingin ninyo pagkatapos ng ginawa ninyo ay mananatili pa ako sa bahay na ito? Aalis na ako sa pamamahay na ito ngayon din." Galit na singhal niya sa mga ito. Nag-iinit ang mukha niya sa galit. "Kung iyan ang gusto mo wala na kaming magagawa." Seryosong saad ni Leon. "Leon hindi pwede umalis si Lauren. Huwag mong hayaang umalis siya. Saan siya pupunta?" Magaling na pag-acting ni Cecilia na parang totoong concern siya sa mag-ina. "Ipapahatid ko kayo sa driver kung saan gusto n'yong pumunta." "Huwag na. Hindi ko na kailangan ang tulong ninyo." Matigas na tanggi niya. "Iha, kahit huling tulong nalang ito mula sa amin. Magpahatid na kayo sa driver." Pilit ni Leon. Hindi niya sinagot ito bagkos itinuloy niya ang pagdial sa numero ng driver ni Sebastian. Nakailang dial na siya ay wala paring sumasagot sa tawag niya. Nanggagalaiti na siya sa galit. Galit sa mga tao sa harap niya, sa sarili at ngayon ay pati na rin sa driver. Saan ba kasi ito at bakit hindi sinasagot ang tawag niya. Gustong gusto na niyang lumayas dito. Bumuntong hininga siya ng malalim. "Okay, ipahatid ninyo kami." Sang-ayon niya. Napangiti naman ang dalawa at iniwan sila. Binalingan niya ang anak at binihisan. Tinulungan naman siya ni Selma sa pagbitbit ng mga gamit papunta sa sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD