"Tell me more about my son." Basag ni Sebastian sa katahimikan. Nasa loob sila ng kwarto ni Sieve. Nakatulog ito ng mapagod sa kakalaro kaya inilipat nila sa higaan at doon pinatulog ng maayos.
Napalingon si Lauren kay Sebastian. Nakatitig ito sa anak niya. Makikita sa mga mata nito ang adoration.
"He's exceptional." Umpisa niya na nakatingin na rin sa anak na mahimbing na natutulog. "Sa mura niyang edad ay alam na niya ang alphabet. Marunong na rin siyang magbilang. Gamit ang mga kagamitan, laruan ay masasagot na niya ang mga tanong. Isa o dalawang beses mo lang ituro sa kanya ang isang bagay ay hindi na niya iyon malilimutan. Ang kulit rin niya. Sa edad niyang one year and 3 months ay sobrang daldal na niya kahit hindi pa perpekto ang mga salita nito. Kumpara sa ibang bata, ibang-iba si Sieve. Iwan ko kung saan ito nagmana,hindi naman ako matalino. Sa iyo siguro?" Nilingon niya ito na nakangiting nakatitig pa rin sa anak.
"Well, I'm not that genius pero siguro genius ako pagdating sa business dahil doon ako naging very successful." Tumawa ito. Ang totoo ay nag-e-excel siya sa klase noong nag-aaral pa siya. He graduated with flying colors.
"Paano mo nga pala nakilala ang manager ko? Sigurado ka bang ipinagpaalam mo ako sa kanya? Baka matanggal ako sa trabaho at maAWOL pa." Sunod-sunod na tanong niya ng maalala ang trabaho niya.
"Walang problema kung matanggal ka dahil hindi ka na magtatrabaho simula ngayon. I want you to focus on being a mother. Hindi ko alam kung ano ang rason mo kung bakit ka pa nagtityaga sa pagtatrabaho sa mall at iniwan ang bata sa yaya niya. Ayokong husgahan ka dahil hindi kita kilala pero ngayong andito na ako at kaya ko namang ibigay ang lahat sa anak natin hindi kana kailangang magtrabaho." Mahabang wika nito.
Biglang kumislot ang puso niya sa sinabi nitong 'anak natin'. Sarap sa pandinig.
"Kailangan ko pa ring pormal na magpaalam at magresign sa work."
"You don't have to. Ako ng bahala."
"Ikaw bahala? Bakit parang alam na alam mo ang pinagtatrabahoan ko? Close ka ng manager o may-ari? O Iniistalk mo ako?"
Napatawa naman si Sebastian.
"Kilala mo ba ang boss mo o alam kahit pangalan man lang ng may-ari ng pinagtatrabahoan mong mall?" Tanong nito na parang pinagkakatuwaan siya.
Hindi niya maalala ang pangalan ng boss niya. Hindi pa niya ito nakikita pero ang laging binabanggit nito ay ang apelyedo lang nito. Tinatawag ito ng mga head nila na Mr. Andersen. Isa itong foreigner base na rin sa apelyedo nito.
"Mr. Andersen ang tawag ng mga head namin sa may-ari. Kaya hindi ko na maalala ang pangalan. Hindi rin naman nagpapakita ang may-ari sa amin. Teka, don't tell me kaibigan mo ang may-ari?"
Lumapad ang ngiti nito.
"Nope, I own it."
Namilog at napanganga naman siya sa nalaman. Sa ilang buwan niyang nagtrabaho doon ay hindi niya alam na ito at ang boss niya ay iisa. Hindi din naman kasi niya alam ang apelyedo nito.
Mas lalong siyang nanliit sa harap nito. Boss pala nya ang ama ng anak niya.
What a small world.
"I own hotel & resorts, and malls all over the world. That's why nalibot ko na ang buong mundo. I travel for business." Sabi nito. Hindi naman ito nagmamayabang, nagsasabi lang ng totoo.
Sa ganitong klase ng tao ay siguradong hinahabol ito ng mga kababaihan. Aside sa good looks nito ay sobrang kapal pa ng bulsa nito.
Kung saan siguro ito nagpupunta ay iba't ibanh mga babae din ang ikinakama nito. Tulad nalang ng nangyari sa kanila. Siniswerte lang siya at nabilang siya sa mga naikama nito.
Bigla siyang nakaramdam ng kirot sa dibdib.
"Ang yaman mo pala." Iyon lang ang nasambit niya at tiningnan ang anak na tumagilid at dahan-dahang dumilat.
Ngumiti lang ang lalaki habang nakatingin sa kanya.
"Uuwi na siguro kami in thirty minutes" Sabi niya kay Sebastian.
"Pwede dumito na kayo pero kung gusto mong umuwi muna para makapagpaalam,okay lang. Ipapasundo ko nalang kayo dito bukas. Aalis ako bukas ng maaga papuntang England. Mga ilang araw din ako doon."
"Kung ganoon na aalis ka pala, pagdating mo nalang kami lilipat dito. Para atleast nandito ka pagdating namin. "
Napangiti ito.
"So gusto mo talagang makita ako paglipat n'yo."
"Hoy, bakit ganyan ang ngiti mo? Hindi iyan ang iniisip ko. Hindi ikaw ang dahilan. Gusto ko lang pagdating dito ay nandito ka para kahit papaano kay may kilala ako sa loob ng malaking bahay na ito. Baka mashock at mga kadambahay mo dito pagdating namin." Mahabang paliwanag niya na ikinangiti lalo ni Sebastian.
"Well, okay. It's up to you." Sabi nito na ikinabigla niya. Hindi niya inaasahan na papayagan siya nito. Akala niya dapat lahat ng sasabihin nito ang masusunod.
Hmm..biglang bumait ah.
"Mommyy," tawag ni Sieve sa kanya at bumangon sa pagkakahiga. Nilapitan niya ito ay kinarga.
Lumapit naman si Sebastian at hinawakan ang kamay ng anak.
"Say daddy. Say daddy, baby." Tinuruan ni Sebastian ang anak na banggitin ang daddy. Gusto rin niyang marinig na tawagin siyang daddy.
"Mommy." Sabi ng anak.
Napakamot naman sa ulo si Sebastian samantalang si Lauren ay tawang-tawa sa yamot na mukha ng lalaki.
"Say Daddy. Daddddy. Daddy." Hindi parin siya sumuko.
"Toys" hindi siya pinansin ng anak at tinuro nito ang toys sa sahig.
Natawa na naman siya sa mukha ng ama ng anak niya.
Kinuha ni Sebastian ang spiderman sa sahig at iwinasiwas ito sa harap ng anak.
"Say daddy and you'll have this toy." Nakangiting sabi niya sa anak ngunit hindi ito sumagot bagkos pilit inaabot nito ang laruan na hawak niya.
Sumuko nalang siya at ibinigay ang laruan sa anak.
Naawa naman si Lauren kay Sebastian. Talagang gusto nitong tawagin din siya ng anak.
Tumingin ito sa kanya.
"Turuan mo nga iyan Lauren, ayaw sumunod sa akin eh." Parang batang nagtatampo sa anak. Napangiti naman siya.
"Baby." Agaw niya sa atensiyon ng anak at hinalikan ito sa pisngi.
Tumingin naman ito sa kanya at iwinasiwas ang laruan nito sa mukha niya.
Pinigilan niya iyon.
"Look at mommy." Utos niya rito. Sumunod naman ang anak at tumingin sa kanya.
"Say daddy." Hindi ito nagsalita.
"Say Daddy." Hindi parin ito nagsalita.
Tumingin siya kay Sebastian. "He will learn soon." Sabi niyang nakangiti.
Nahulog ang laruan ni Sieve sa sahig. Nabigla ito at sinundan ng tingin ang nahuhulog na laruan.
"Daddyy." Banggit nito habang nakatingin sa laruan.
Nagliwanag naman bigla ang mukha ni Sebastian sa narinig. Hindi niya inaasahan iyon. Sobrang sarap sa pakiramdam na tinatawag siyang daddy ng anak niya.
Hindi na niya napigilan ang sarili na kuhanin ang anak kay Lauren at kinarga ito saka kinuha ang laruan nito at ibinigay sa kanya.
"Say daddy." Ulit niya rito.
"Daddy." Gaya ni Sieve na mas lalong ikinatuwa ng ama.
Nakangiti lang si Lauren habang nakatingin lang sa mag-ama. From this time, hindi lang siya ang magbibigay ng pagmamahal at poprotekta sa anak. Dalawa na sila at may kahati na siya sa pagmamahal ng anak. She must deal with it dahil her son deserve to have a father too.
Nakangiti lang siyang pinapanood ang dalawang naglalaro.
Gabi na ng pinayagan silang umuwi ni Sebastian. Hindi sila paalisin nito hanggat hindi pa sila naghahapunan doon. Alas sais pa lang ay ready na ang hapunan sa mesa.
Inihatid sila nito sa labasan.
"Bye anak." Paalam ni Sebastian sa anak at dumukwang ito para halikan ang anak. Halos magdikit naman ang mukha nila sa sobrang lapit.
Napahinto at nagkatitigan sila. Napadako ang tingin nito sa mga labi niya na ikinainit ng mukha niya.
Bigla nitong dinampian ng halik ang mga labi niya. "Bye" maikling wika nito na ngiting ngiti.
Para naman siyang nahimasmasan agad. Hindi siya nakapagsalita at tumalikod na para sumakay sa sasakyan. Ihahatid sila ng driver nito. Hindi na muli siyang lumingon sa binata. Napangiti naman at napahawak sa labing nadampian nito habang pilit itinago ang ngiti.
Kinikilig ba siya?
No way, hindi pwede.