Chapter XVII

1530 Words
Karga ni Lauren si Sieve ng lumabas ng kwarto ng madaanan niya sina Leon at Cecilia sa may sala. "Lauren, sino iyang nasa labas?" Tanong ni Cecilia na curious kung sino ang sumundo sa kanila na may magarang sasakyan. "Ah may lakad kami ni Sieve at pinapasundo ako ng kaibigan ko. Sige ho aalis na kami." Sagot at paalam niya rito. Hindi naman nagtanong pa si Cecilia at sinundan lang ng tanaw ang pag-alis nila. "Good morning ho, manong." Bati niya sa driver. "Good morning din, mam Lauren. " Ganting bati nito. "Lauren nalang ho manong, huwag na mam." Nakangiting saad niya rito. Ngiti lang ang isinagot nito sa kanya at pinaandar na sasakyan. Halos trenta minutos rin ang nilakbay nila bago nila narating ang pakay. May nagbukas ng malaking gate na nakaunipormadong katulong. Isang napakalaking bahay ang nabungaran niya. Tantiya niya ay hindi lang ito simpleng bahay kundi mansion na ito. Kung ang bahay ng tiyuhin niya ay tinawag nilang mansion dahil sa laki, eh anong tawag sa bahay na ito? Halos apat na beses ang laki nito kumpara sa bahay nila. May malaking swimming pool sa harap ng bahay. May flower garden na ang ganda ang pagkalandscape. Sino naman kaya ang mga nakatira dito? Si Sebastian? Ganito ba siya kayaman? "Like your new home?" Tanong ni Sebastian na nagpapitlag sa kanya at nagpaputol sa iniisip niya. "Ho-home?" Naguguluhang tanong niya. Pero iwan ba niya kung bakit may kunting na saya siyang nadarama ng maisip ang sinabi nitong "home". Him, her and Sieve. It's like a family. "Yep, ito ang magiging bahay ng anak ko at dahil kasama ka ay bahay mo rin ito. Welcome home." Sagot nitong malapad na nakangiti at kinuha sa kanya ang anak at kinarga. Ah oo nga pala titira lang pala siya sa bahay nito dahil nakiusap siya rito na siya ang mag-aalaga sa anak niya. May kirot siyang nadarama. Iwan pero bakit biglang umasa ang puso niya. Puso? Bakit naman umasa ang puso niya? Nakakaloka. Imposibleng mangyari na magustuhan siya nito. Sumunod siya rito papasok ng bahay. Sobrang lawak ng loob. May mga mamahaling kagamitan na sa magazine lang niya nakikita. Ang malalaking painting na nakadisplay sa dingding ay alam niyang napakamahal n'yon. May napansin rin siyang painting ni Sebastian at nang dalawa pang mukhang banyaga. Marami siyang gustong itanong sa lalaki ngunit nahihiya naman siyang magtanong. "They are my parents." Wika nito na parang nabasa ang iniisip niya. Tumingin siya kay Sebastian sa matang nagtatanong. He looks asian while his parents are westerner. "They are my foster parents. It's a long story. We can talk about it some other time." Nakangiting saad nito saka binalingan ang anak na halos hilahin na siya. Gusto yatang mag-ikot ito sa buong bahay. Natuwa naman si Sebastian at inaalalayan itong maglakad. Sumunod naman si Lauren sa mga ito. Marami siyang hindi alam tungkol sa ama ng anak niya. Actually halos lahat except sa pangalan nito. Ni hindi nga niya ang apilyedo nito. Nakakatawang isipin na nagkaroon sila ng anak na hindi man lang nila kilala ang isa't-isa. Hindi rin niya naisip na ganito pala kayaman ang ama ng anak niya. Kaya totoo ang sinabi nitong kaya nitong ilayo ang anak niya sa kanya. Wala siyang laban rito. Money is power. Lahat kayang gawin ng may pera. Biglang nakaramdam siya ng lungkot. Wala talaga siyang kalaban-laban rito. Kung pagkakamali man ang nagawa niyang pagbibigay ng sarili rito two years ago ay hindi pa rin niya pagsisisihan iyon. He gave her the most adorable child. Gagawin niya ang lahat na hindi ito mawala sa kanya even if she needs to kneel down and big in front of this ruthless man. Ruthless? Pero bakit para itong isang ordinaryong ama lang na masayang nakipaglaro sa anak niya? Isang masayang tanawin na nagbibigay kaligayahan sa kanyang puso. Sana'y kasali siya sa kaligayahan ng mga ito. Ngunit imposible iyon. "Mommy, look. Toysss" namilog ang mga mata ni Sieve ng makita ang daming toys sa loob ng kwartong napasukan nila. Isang pambatang kwarto. May ibang anak na kaya si Sebastian? Biglang may guhit ng kirot siyang naramdaman. Iwan. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit may mga hindi siya maipaliwanag na kakaibang naramdaman. "Kaninong kwarto to?" Tanong ni Lauren ng hindi tiningnan si Sebastian kunwari tumingin tingin sa mga laruan sa loob. "It's Sieve. Pinatransform ko kaagad kahapon. You know, everything is possible with money." Nakangiting sagot nito. Parang nakahinga naman siya ng maluwag sa narinig. "Ito iyong magiging kwarto niya. Sa kabila naman "yong sa'yo." "Pwede bang magtabi nalang kaming dalawa? Hindi kasi ako sanay na hindi siya katabi." Pakiusap niya. Totoo sa loob na sabi nya. "Well, kung magkatabi kayo lagi eh mas lalong mapapalapit ang loob ni Sieve sa'yo at malayo naman sa akin. Ayoko namang mangyari iyon kaya kung ipipilit mo talaga..." sabi nito at dahan-dahang lumapit sa kanya. "Kung ipipilit mo talaga, payag ako pero dapat dito rin ako matulog katabi n'yo." Parang may kahulugan ang sinabi nito na ngiting ngiti. Nanlaki naman ang kanyang mata ng maimagine ang sarili katabi ang lalaki sa kama two years ago. Parang may biglang gumapang na init sa kanyang katawan ng maalala iyon. "I know you like it honey and I'm willing to comply." Dagdag pa nito na parang nang-aakit. Nanindig naman ang balahibo niya ng ibulong iyon malapit sa may tainga niya. Napaatras siya. "Ano bang pinagsasabi mo d'yan? Never na sumagi sa isip ko na katabi ka matulog sa kama. In your dreams." Tanggi niya at iniwan ito nagmartsa palabas ng kwarto. Kainis talaga ang lalaking iyon. Naliligo ng kayabangan sa katawan. Akala siguro niya lahat ng babae ay pinapangarap siyang makatabi sa kama. Tse! Lasing ako noon kaya nakatabi ako sa'yo. Pangit mo kaya. Sa isip-isip ni Lauren. "Talaga lang ha?" Saad ni Sebastian habang palapit sa kanya. Paano ba nito nabasa ang nasa isip niya? O narinig kaya nito ang sinabi niya? Well, wala siyang pakialam dahil totoo naman ang sinabi niya. Huminto ito sa harap niya. "So hindi mo alam ang ginagawa mo dahil lasing ka ng time na iyon, ganon? Ang bawat ganti mo sa mga haplos, yakap at halik ko ay hindi dahil sa gusto mo ito kundi epekto lamang ito ng alak,ganon ba Lauren?" Seryosong tanong nito na matamang nakatitig sa kanya. Halos hindi naman siya makahinga sa sobrang lapit nito sa kanya. Ang bibig niya ay hindi makahagilap ng maisasagot dahil ng time na iyon ay alam niya ang ginagawa niya. Napamulagat ang mga mata niya ng biglang sakupin nito ang mga labi niya. Itinulak niya ito ngunit hinapit siya nito sa baywang ng sobrang higpit habang ang isang kamay ay mahigpit na nakahawak sa batok niya. Hindi siya makagalaw. Ang mga labi nito ay patuloy sa paghalik sa mga labi niya. Halik na parang nagpaparusa. May diin. Marahas. Ngunit bakit ang bibig niya ay dahan dahan binigyan ito ng daan para mas lalo pa nitong maexplore ang bibig niya. Bakit ang mga labi niya ay kusa ng gumaganti sa mga halik nito? Nanginig bigla ang mga tuhod niya sa sensasyong nadarama. Natatangay na siya sa may pagsuyong halik nito. Napapaungol siya ng mahina. "I guess you lied dahil parehong pareho ang reaksiyon ng katawan mo noon at ngayon. You like it too." Nakangiting wika nito pagkatapos putulin ang halik nila at bahagya itong inilayo. Halos namula naman ang pisngi niya sa pagkapahiya. Ipinahiya siya ng sarili niyang katawan. Gusto niyang magpalahaw sa pagkapahiya o gusto niyang pagsampalin ang lalaking kaharap dahil pinaglalaruan siya nito. Ngunit hindi niya nagawa ng makita ang anak na hinila-hila nito ang kamay niya at gustong magpakarga habang hawak-hawak nito ang laruang spiderman. "Let's go and eat." Sabi naman ni Sebastian na parang wala lang nangyari kaya mas lalo siyang nagngingitngit sa inis rito. Pumunta sila sa kumedor na may mga pagkaing nakahanda na. Agad namang nilantakan ni Sieve ang nakitang pagkain. Tahimik siyang kumakain habang enjoy na enjoy naman ang damuhong lalaki sa pagpapakain sa anak niya. Minsan pa ay tinatapunan siya ng tingin nito at nakangiti. Ngunit biglang napawi ang ngiti nito ng mapadako ang tingin nito sa kamay niyang may hawak na tinidor. Nakita nito ang suot niyang singsing. "So sino namang malas na lalaki ang gustong magpakasal sa'yo?" Nainsulto siya sa sinabi nito. Ganoon na ba siya kapangit at wala na talagang magkagusto sa kanya? "Well, wala kang pakialam kung sino mang malas na lalaki ang gustuhin akong pakasalan." Halos singhal niya rito. "Yeah,you are right." Sabi nito na nakatitig sa kanya. "Ang malas talaga niya. Nakasalamin ba siya?" Dagdag nitong tumawa. Halos patayin na niya ito sa tingin. Bigla itong sumeryoso. "So, paano mo aalagan si Sieve na hindi malayo sa kanya kung mag-aasaw ka na? Papayag ba ang asawa mo sa ganoong set-up?" Hindi siya nakasagot. Paano ba niya ipapaliwanag dito ang totoo? "Hindi ako mag-aasawa. Alang-alang sa anak ko. Mas importante siya kaysa sa akin." Naguguluhan man sa sinabi ni Lauren ay parang biglang nagliwanag ang mukha ni Sebastian sa narinig. Masaya ba ito sa sinabi niya o guni-guni niya lang iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD