At ang mas masakit sa’kin ay talagang hindi niya ako sinundan. Get back to your senses, Anchandra! Hindi niya na kasalanan kung hindi siya sumunod. Buong byahe akong tulala. Ito yata ang unang beses na nag-away at nagalit ako kay Zendrick. Ito rin ang unang beses na sinigawan niya ako. Hindi ko inaasahan ‘yon. Alam kong may mali ako pero sana huwag niya akong sigawan. Tone is important to me, and I admit na kapag tinaasan mo lang ako ng boses ay maiiyak na ako. That’s what happened earlier. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na umiyak sa harapan niya. Eh, sa nasaktan talaga ako sa ginawa niya. He should’ve waited for me. Kung na-offend siya, eh, puwede niya naman sabihin iyon sa akin nang maayos para makapag-sorry ako. Sumilip pa ako sa cellphone ko to check if he texted me pero wa

