Days turned in to weeks. Zendrick became the sweetest he can be. Sabay pa rin kaming pumapasok at kung hindi naman ay bibisita siya sa akin sa classroom para lang makita ako bago siya pumasok sa klase niya. Misty became consistent, too. Madalas niya pa rin akong awayin with petty reasons. Sa katunayan ay nasanay na ako sa kanya, eh. Hindi ko rin siya ma-gets, eh. Kapag kasi hindi mo papatulan ay magagalit, kapag naman pinatulan mo ay magagalit pa rin. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin sinasabi kay Zendrick iyong tungkol kay Mommy. Kaya sa tuwing mag-o-offer siya ihahatid niya ako pauwi ay ako pumapayag. As much as possible, ayokong malaman ni Mommy na sinusuway ko siya. Kahit na gusto ko rin sabihin kay Zendrick ang totoo, natatakot ako na baka makipaghiwalay siya sa akin para lang maging

