Mabilis lang na lumipas ang mga araw. Monday na ulit. Classes are resumed. Wala ng event, wala ng booth, wala ng kahit ano pang activities. Muling naging tahimik ang campus. Nakaka-miss din pala ang ingay na dala ng School Fest. Nakaka-miss ang makukulay na banderitas na makikita mo lang kung saan. Hindi kami sabay na pumasok ni Zendrick ngayon dahil may kailangan daw siyang asekasuhin ngayon. Habang naglalakad ako sa hallway ay biglang may kumalbit sa’kin. Paglingon ko’y si Alex iyon. “Wala ba si Zendrick? Mag-isa ka yata,” aniya. “May aasekasuhin daw.” Tumango-tango naman siya. “Saan ba kayo nagpunta nung Sabado?” “I introduced him to my parents.” Nanlaki naman ang kanyang mga mata. “Talaga?” hindi makapaniwalang tanong niya. Natawang tumango ako. “Oh, kumusta? Approved ba?” Big

