Lumipas ang araw at mas lalong naging magkalapit ang loob namin ni Zendrick sa isa’t isa. Sabay kaming pumapasok at kapag uwian naman ay inaabangan niya ako sa labas ng campus. Naging routine na rin namin ‘yong kumain ng ice cream after school at no’ng nakaraang araw pa nga’y kasama namin si Eya. Minsan din ay sumasabay sa amin si Alex since most of the time ay nauuna talaga siyang umuuwi sa’kin. Sa loob ng ilang araw na ‘yon ay unti-unti ko nang nakukumpirma sa sarili ko na talagang nagugustuhan ko na siya. This isn’t just about me liking him, but also me hoping that he feels the same way I feel towards him. Ni hindi ko alam kung normal ba itong ipinapakita niya sa akin. Normal ba na sinasadya niyang hintayin ako para sabay kaming pumasok at sinasadya niyang abangan ako sa labas ng gate

