Kinaumagahan pakiramdam ko’y napakaganda at himbing ng tulog ko. Pagkagising ko pa lang ay agad ko ng ch-in-eck kung may text message ba galing kay Zendrick at hindi naman ako nabigo ro’n dahil mayroon nga. From: +639989432198 Magandang umaga, Anchandra. Kumusta tulog mo? Excited akong nagtipa ng mensahe para sa kanya. To: +639989432198 Hello. Maayos naman. Sa’yo ba? Pagkapindot ko ng sent ay bumangon na ako saka dumiretso sa banyo para maligo. Kahit na naliligo’y hindi mawala-wala ang pagngiti ko. Kahit na andami-daming mga tanong na bumabagabag sa isip ko, hindi ko pa rin maiwasan na kiligin sa mga galawan ni Zendrick. Is he trying to chase me? Gusto niya ba ako? Why is he treating me like this? Do I need to confront him? What is he up to? Despite all thos questions, mas pinili k

