Kinabukasan ay araw na ng palaro. Sobrang excited ko ngayon dahil first time kong mapapanood si Zendrick na naglalaro. Hindi na kami magkasabay na pumasok ngayon since kailangan ay maaga siyang papasok. Alas otso pa kasi ako papasok while 7am naman siya. Gaya ng nakasanayan ay ibinaba ako ni Kuya Lando malapit sa may coffee shop kung saan hindi ako masyadong kita. Wala pa naman masyadong estudyante sa mga oras na ito kaya kampante ako na walang makakapansin sa akin. Pagpasok ko ng campus nagtaka ako nang makita si Zendrick na naglalakad patungo sa direksyon ko. Saan kaya ito pupunta? Sinabulong niya ako ng kanyang matamis at gwapong ngiti. "Good morning," bati niya. "Good morning. Saan ang punta mo?" nakataas ang kilay na tanong ko. Natawa naman siya. "Ito naman, ang aga-aga nagh

