Umalis na kami ni Zendrick sa opisina ni Dean at dahil nga na-postpone ang coronation day ay wala na kaming gagawin ngayon. Napagdesisyonan namin na gawin na lang sa last day ng School Fest ang coronation day. Dumiretso na kami ni Zendrick sa SC Office dahil sigurado kami na nandoon ang mga officers ngayon. Habang naglalakad ay bigla kong naalala iyong mga banat ni Zendrick kanina kay Dean. Sa inis ko’y kinurot ko siya sa kanyang tagiliran. “Aray! Oh, anong nangyari sa’yo?” natatawang tanong niya. Tinapunan ko naman siya ng masamang tingin. “Kung anu-ano ‘yong sinabi mo kay Dean. Siraulo ka!” Natawa naman siya. “Kung puwede nga lang na sabihin ko sa kanya na girlfriend kita, eh.” “Don’t you dare!” Kinurot niya naman ang pisngi. “Opo, ma’am. Alam ko ‘yon.Sasabihin ko na lang sa ka

