Napanganga ako nang may inilabas na korona si Dean na galing sa loob ng locker ko. Kumurap pa ako ng ilang beses para kumpirmahin kung tama ba ang nakikita ko. Humarap si Dean sa akin at kitang-kita ko ang galit sa kanyang mukha. “At my office… now!” Tumalikod na siya sa akin saka naglakad na palayo. Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Halu-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Alam kong wala akong kasalanan pero hindi ko alam kung maniniwala ba si Dean ‘pag sasabihin kong wala akong alam sa nangyari. Paano ba kasi napunta ang korona na iyon sa locker ko? “Anch, paano napunta ang korona sa locker mo?” tanong ni Ate Heidi. “Ate, hindi ko alam. Hindi ko alam kung paano napunta iyon doon. Maniwala kayo,” naiiyak kong sabi. Malungkot na ngumiti si Ate Heidi. “Gusto kong

