"Mom, can we talk about this at home?" Hindi na siya sumagot. Atleast naibigay niya sa akin ang pakiusap ko. Akala ko kasi pipilitin niya talaga na magtalo kami sa loob ng sasakyan. Ayoko namang ma-witness ni Kuya Lando ang kung ano man ang pag-uusapan namin. Nakakahiya. Buong biyahe kaming tahimik. Wala ni isa sa amin ang nagbukas ng usapan hanggang sa nakauwi na lang kami. Pagbaba ko pa lang ng sasakyan ay tinawag na ako ni Mom. "Let's talk." Una siyang umakyat papunta sa kwarto ko. Pagpasok na pagpasok namin ay hinarap niya na ako at agad na kinausap. "What do you think you're doing, huh?!" "Mom, ano ba ang masama sa ginagawa ko? I'm just spending time with my boyfriend!" She scoffed. "Boyfriend? Naririnig mo ba ang sarili mo, Anchandra?!" Kumunot ang noo ko sa kanya. "H

