Nag-message na ako kay Kuya na sa parking lot na lang ako maghihintay. Mas mabuting mag-isa na lang ako kaysa makita nila akong kasama si Zendrick. Habang papunta ako ng parking lot ay palingin-lingon ako sa paligid. Naging paranoid na yata ako. Feeling ko kasi anytime magkakasalubong ang landas namin ni Misty. Almost ten minutes din akong naghintay sa parking lot bago sila dumating. Bitbit nila ang mga pinamili naming mga damit sa Forever 21 kanina. Pagkakita ni Zendrick sa akin ay agad niya akong nilapitan. “Ayos ka lang?” nag-aalalang tanong niya. Tumango naman ako. “Buti nga at hindi nila ako napansin nung umalis ako.” “Ang sabi sa akin ni Zendrick, iyon daw ang babaeng inaaway ka sa eskuwelahan niyo?” tanong ni Kuya dahilan para mapatingin ako kay Zendrick. “Don’t mind them, Ku

