KABANATA LXIII

1073 Words

Mula noong sagutan namin ni Mom ay hindi na kami gaanong nagpapansinan. Noong gabi ring iyon ay hindi na ako nakatulog sa sobrang sama ng loob ko kay Mom. Hindi ko naman talaga gustong sabihin ang mga salitang iyon dahil ayokong masaktan ko siya pero sumosobra na talaga siya. Pinag-iisipan ko nga kung sasabihin ko pa ba kina Dad at Kuya ang tungkol doon pero ayoko ring magkagulo ang pamilya ko dahil lang doon. Pagkatapos ng exam ko kinabukasan ay sinundo na ako ni Kuya. Dala niya na rin ang mga gamit ko dahil sa Batangas kami mags–spend ng weekends. Hindi na rin sumama si Zendrick dahil may klase pa raw siya sa hapon at may gagawin naman daw siya sa weekends. Habang nasa byahe papuntang Batangas ay wala ni isang umiik sa amin ni Kuya. Ako kasi, bukod sa pagod ako, wala rin talaga ako sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD