Maaga na akong nagpaalam sa kanila saka umakyat na para magpahinga. Ngunit nang dumating ako ng kwarto ay hindi naman ako nakatulog. Tulala lang ako sa kisame habang lutang ang isip. Hinayaan ko na lang ang sarili ko hanggang sa mapagod ako mismo at tuluyan na ngang nakatulog. Kinabukasan ay nagising ako sa katok sa pinto ng kwarto ko. Tinatamad na bumangon ako para buksan ang pinto at bumungad roon ang isa sa mga staff na nandito sa Resort namin. Nginitian niya ako. “Good morning, Ma’am,” bati niya. “Good morning,” medyo inaantok na bati ko sa kanya. “Tinatawag na po kayo ng Daddy niyo para makapag-almusal na. Nasa buffet po sila.” “Thank you.” Naligo muna ako saka nagbihis. Nagsuot lang ako ng floral na dress at m-in-atch ko ito sa flat sandals ko nabili namin sa Forever 21 noong

