Chapter 12 [Balik Alindog]

1806 Words

Napangiti naman ako habang pinagmamasdan ang aking sarili sa harap ng salamin. Unti-unting nagbago ang hitsura ko nang ibahin nila ang hairstyle ko. Matapos niyon ay muli nilang kinulayan ang aking buhok. Napansin ko ang agad na pagliwanag lalo ng aking mukha. Habang nag-aayos ng aking buhok ang dalawang bakla, ang dalawang babae naman, matapos mag-foot spa sa akin ay naglinis na agad ng aking mga kuko. Pakiramdam ko nang mga sandaling iyon ay may kung anong lumuwag sa aking dibdib at sa buo kong pagkatao. Malayo sa kung ano ako noon. Muli kong tiningnan mula sa repleksyon ng salamin ang nagbabasang si William. Nakatuon ang mga mata nito sa magazine. Ewan kung bakit may lungkot na kumudlit sa aking puso, ngunit agad namang nagbago at napalitan ng saya nang makitang napasulyap sa akin ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD