Humarap ako sa kanya at yumuko upang magbigay galang— ganoon din ang ginawa ni Cain. “Isang karangalan para sa tahanan ng Tacaba ang presensya ng Prinsesa.” “Ito ba si Cain? Ang bastardong anak niyo ni Liliane?” Nagtago ang bata sa likod ng aking hita. Tumingin ako sa tagasilbi. “Dalhin niyo na si Cain sa kanyang silid. Maaga pa ang klase niya bukas,” pagkatapos kong sabihin iyon ay agad nilang inilayo sa amin ang bata at hinarap ko si Isabel. “Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo, prinsesa?” “Patawad sa pagpunta ng walang imbitasyon, Baron. Galing ako sa isang piging at ginabi na. Delikado na ang daan at palasyo mo ang pinakamalapit.” Nagbuntong-hininga ako at tumango. “Iuutos ko sa mga tagasilbi na ipag-ayos ka ng silid, aking prinsesa.” Lumapit ito sa akin at inilapat ang palad sa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


