Hindi ko pinaalam kay Euphy ang iniisip. Iyon ay isang teyorya palang at walang kasiguraduhan. Ngunit habang iniisip at tinatahi ko ang teyorya na iyon ay mas naiintindihan ko ang koneksyon sa Arachnida. “Hanggang sa muli nating pagkikita, aking hari.” “Euphemia, alagaan mo ang iyong sarili.” Pagkasabi ko niyon ay marahan kong hinalikan ang kanyang noo. Lumayo ako sa kanya ngunit nanatili itong nakapikit. Sumakay ako kay Dilim at pinatakbo iyon pabalik ng Tacaba. Naghiwalay na kaming dalawa bago pa abutan ng liwanag. Ginamit ko ang aking kapangyarihan upang pagalingin ang mga galot at pasa ni Euphemia. Ilang beses niya akong tinanong kung ano ang mangyayari sa amin ngunit hindi ko iyon masagot. Sa ngayon, wala pang kasiguraduhan ang hinaharap namin. Bumalik na ako sa kwadra at iniwan

