Kahit na hindi pa ako lubos na nagtitiwala kay Euphemia at pinaalam ko pa rin ang nangyari sa kanyang ama. “Hindi rin nagtitiwala sa akin ang mga Qifu,” bulong nito ngunit umabot iyon sa aking pandinig. Nagkibit-balikat ako. “Dahil nagawa mo akong traydurin kaya hindi rin malabo na gawin mo iyon sa kanila.” “Sa pagkakataon na iyon ay nagkamali ako ng usad. Ano ang dapat kong gawin?” “Sa ngayon, Huwag ka munang gumawa ng kahit ano na makakakuha ng atensyon ng mga Qifu. Para hindi ka saktan ni Joaquin, kapihan mo at huwag tutulan ang mga desisyon niya.” “Kahit mali?” “Isa siyang bastardo, Euphemia. Ang lalaki na iyon ay gagawin ang lahat para makuha ang loob ni Sanjo.” “May naisip ako na solusyon para hindi niya ako saktan.” “Ano iyon?” “Mabuntis.” Gusto kong sapakin ang kahit na s

