“Buhay ka…” Ang tono nito ay puno ng kasiyahan na siyang pinagtataka ko. Pinaikot nito ang mga braso sa aking balikat at mahigpit akong niyakap. “Ibig sabihin ay…” Napasinghap ito. “Ikaw at si Baron William ay iisa?!” Hindi ako makagalaw dahil sa kalituhan. Hindi ba’t siya ang pumana sa akin— nakalimutan na ba niya? Tinalikuran niya ako, pinagtaksilan. Pero heto sya at masayang-masaya nang makita ako. “P-P-Pinakasalan mo si Liliane…” Inalalayan ko siya hanggang sa makarating kami sa mababaw na parte ng bukal. Inilayo ko ang sarili ko sa kanya. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” Ngumiti ito at kumikislap ang namuong luha sa kanyang asul na mga mata. “Buhay ka, Ashmir. Buhay ka. Salamat.” “Nagpapasalamat ka na buhay ako? Nakalimutan mo na ba na ikaw ang pumana sa akin at naglagay s

