CHAPTER 22 – ALAM

2190 Words

Umalis na ang mga Kontesa. Gusto kong alamin kung ano ang propesiya na sinasabi nila. Madaling napapaikot ni Sanjo ang mga mamamayan dahil lahat ng kamalian ay isinisisi niya kay Ashmir. Tingin ko ay isang kasinungalingan din na nagbababa ng propesiya si Rubitta sa isang pangkaraniwang tulad niya. Umuwi na ako sa mansyon ng Tacaba. Naabutan ko si Cain na pababa ng hagdan, suot pa rin nito ang uniporme ng paaralan. Nang makita niya ako ay agad na lumiwanag ang kanyang mukha. “William!” “Huwag kang tumakbo sa hagdanan, Cain.” Tumalungko ako at sinalubong ito ng yakap. Kinarga ko siya sa aking bisig. Paunti-unti ay nagiging matatas na si Cain. “Kumusta ang pag-aaral mo?” Bumaba ang tingin nito at ngumuso. “Cain?” Umiling siya at ibinaon ang mukha sa pagitan ng aking leeg at balikat.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD