Na-speechless ako nang sobra sa sinabi niya. Parang kapag may sinabi akong walang sense ay bigla na lang akong bubulagta rito. Hinawakan ko siya sa kamay nang mahigpit bago ipagsalikop ang mga daliri namin. Napatitig naman siya sa kamay namin, inangat niya ang mga ito at itinapat sa labi niya bago halikan. "I can't get mad at you, or to anyone." rason niya, "Alam ko may reason si Mama. Alam ko rin may reason kung bakit maaga siyang nawala." "Ang bait mo kamo," Nasabi ko na lang. Wala, eh. Speechless is me. "Edi mas lalo mo naman akong nagustuhan?" Ngumiti siya nang mapang-akit bago halik-halikan sng kamay ko. "In love na nga, eh." Ang harot! "Mas gusto ko 'yan," Nag-angat siya ng isang kilay. "Para mas lalong wala ka nang kawala." Natigilan ako, pilit na nagpipigil ng kilig. Bakit

