"Ay! May new friendship si Sica!" Bulalas ni Bakla habang nanginginain kami rito sa canteen. Halos mabali naman ang leeg ko sa biglaang paglingon para lang masulyapan ang diyosang nabanggit ni Terensiyo. "Ay, baka chicks!" "O kaya'y girlfriend!" Tinginan ang mga baliw kong kaibigan sa akin. Palihim na nagpuyos ang kalooban ko nang makita yung matangkad na nilalang na katabi ni Sica. At talagang ang saya nilang dalawa! "Ang ganda ng kasama ni Sica, girl!" Ani Sally bago ako tapik-tapikin sa balikat. "Pero hindi bale, nabawasan man ng slight ang hair mo, may Maki ka pa namang handang sumalo sa iyo." kinikilig na turan niya. Napatingin tuloy ako kay Maki na tipid na nginitian lang ako. "Pak!" "Shattap." May pagkamalditang tugon ko bago ayusin ang salamin sa mata. Mala-laser na sinuri ko

