"H-hindi pa naman tayo mamamatay, hindi ba?" takot na tanong ko kay Maki. Grabe, naninigas ako! Ang higpit ng pagkakayakap ko sa baywang niya na parang do'n nakasalalay ang buhay ko—na totoo naman. Kapag bumitaw ako, malamang sa malamang ay mahuhulog at titilapon ako mula rito sa motor na minamaneho niya! Isang tawa ang pinakawalan ng dalaga. Mahangin pero naririnig ko naman siya. "Sa bagal ng pagpapatakbo ko at sa higpit ng yakap mo," Nag-paused siya saglit na parang nag-iisip kuno kahit hindi naman. Napaungos ako. "Mukha namang hindi." "Bakit kasi motor? Bakit?" Naiiyak na tanong ko. Binabawi ko na! Binabawi ko nang astig sumakay sa motor! Nakakatakot pala! Sana hindi na lang ako sumakay! Halp! "Huwag ka na matakot, tsaka malapit na tayo, oh." "Takot na nga, eh." Nakalabing tugon ko.

