Kabanata XVIII

1356 Words

Naapurnada yung paghikab ko nang maabutan ko si Sica sa kusina kasama si Kuya. Aba't—ang aga pa, ah? "Ano ba 'yan, Chloe! Mahiya ka nga sa manliligaw mo!" bulyaw sa akin ni Kuya Pao. May hawak na siyang isang baso ng kape. May hotdog, bacon, sinangag, at pandesal na rin sa hapag-kainan. "Ang pangit mo!" Napasinghap ako sa panlalait niya. "Hoy—" "May panis na laway pa." tuloy niya, "Ay, kadiri." Automatic na napahawak ako sa bibig ko at nagpunas. Pinanlisikan ko naman ng mata si Sica na tatawa-tawa lang sa tabi ng Kuya ko. Maya-maya lang ay nagtaas siya ng kilay at bigla akong kinindatan. Hala siya. Bigla tuloy akong nahiya kaya dali-dali akong tumakbo pabalik ng kwarto ko para makapag-ayos. Hindi pa 'ko nagsusuklay, eh! Pagdating ko sa room ay naabutan kong nag-uunat si Doraemon, para

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD