"Oh, paano, aalis na ako." Biglang paalam ni Maki. Mabilis akong napalingon sa kanya. Huwag niya sabihing iiwanan niya akong mag-isa rito? "T-teka—" Nanlaki ang mata ko nang maglakad siya palayo. Hahabol sana ako ang kaso humigpit ang pagkakahawak ni Sica sa kamay ko. "Maki!" Kaiyak. Wala na siya. Talagang iniwanan niya ako matapos ng pananamantala niya sa labi ko! At hindi lang iyon! Napalingon ako kay Sica na hanggang ngayon ay matalim pa rin ang pagkakatitig sa akin. Tuluyan akong napangiwi. Patay na talaga ako. "Hindi rin halatang ayaw mo akong makasama, Chloe." Halos panindigan ako ng balahibo nang bumulong siya sa tainga ko. Napaatras ako at pikit-matang nilingon siya. "Ah, eh, hello?" epic fail na pagbati ko. Nagtaas lang siya ng kilay kaya agad akong nagbaba ng tingin. Ang sun

