Kabanata XXIII

1046 Words

Namamasma na ang kamay ko pero hanggang ngayon ay ayaw pa ring bumitaw ni Sica. Ang ganda pa ng ngiti ng babaita! "Ateng," tawag ko, "nagwa-waterfalls na iyong palad ko. Baka pwedeng bitawan mo na?" "I don't mind." "I do mind!" sagot ko. Kaloka 'to! Mabuti sana kung hindi nakakaasiwa sa pakiramdam, eh. "Bitaw na kasi!" "Kiss muna." Pinandilatan ko siya ng mata pero ni hindi man lang niya ako sinipat ng tingin. Talagang tuluy-tuloy lang siya sa paglalakad habang hila ako. Feeling ko batang paslit ako sa ginagawa niya. Kulang na lang pati laylayan ng blouse niya hawakan ko, eh. "Sica naman, eh!" angal ko. Nasa public kami, jusmiyo. Tapos may mga nakakasabayan pa kami sa daan tapos manghihingi siya ng kiss? Kapal naman po! Ito ba? Ito ba ang kapalit ng confession ko? Halatang iniisahan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD