"Is it real? Is it real?" Maarteng kanta ni bakla habang eksaheradang pumipilantik ang daliri. Parang gusto ko siyang sabunutan hanggang sa makalbo dahil sa lakas ng kanyang boses. Naman, eh! "Nesfruta!" tili niya, "Kakaloka! Nagliligawan na talaga kayo?" Nagkatinginan kami ni Maki. Nginitian naman niya ako ng matamis kaya ngumiti rin ako. Break time namin ngayon kaya ito, nakatambay kami sa isa sa mga benches na malapit sa guard house. Hindi naman mainit kasi may cover at saka fresh kasi may mga puno rito. "Confirmed! Mga gals, ow-em-dyi!" Muling pagtitili niya bago sindakin ng yugyog ang nananahimik na si Sally na abala sa panonood ng KDrama—mukha siyang haggard today pero kiber lang—at si Chase na biglang nanlisik ang mata matapos matalo sa nilalarong Infinite Speed sa kanyang selpon.

