"Teka—" Hindi pa ako nakakabawi ng hininga nang muli na naman niya akong sugurin ng halik. Nakuyom ko ang mga palad ko na nasa dibdib niya, pinipilit ko siyang itulak kanina ngunit habang tumatagal ay parang tinatakasan na ako ng lakas ko. Idiniin niya ang labi sa akin. Kamuntik nang bumigay ang mga tuhod ko nang maramdaman ang, ehem, ang dila niyang makulit na naglalaro sa bibig ko. Halos umusok na yung bumbunan ko sa sobrang init ng aking pisngi. Maagap naman niya akong hinapit palapit sa kanya para hindi ako bumagsak. Ang jelly-jelly na ng tuhod ko! Sica, ano bang ginagawa mo? Nababaliw na yata ako. Ano ba kasing problema niya? Bakit naman wagas siya mang-angkin? Mag-jowa ba kami tapos hindi lang ako aware? O trip lang talaga niya ako? Pero may Kuya Pao na siya, eh! Parang bigla ako

