"Naka-drugs ka ba?" Huh? Kunot ang noong nilingon ko ang nag-iisang baklita sa amin. Pinakatitigan ko yung seryosong mukha niya habang ginagantsilyo iyong hawak na maliit at butas-butas na bilugang tela na binili niya sa labas ng school sa halagang limang piso. Yung binibili ng mga bata. "Pakiulit nga?" tanong ko. Nawindang kasi ang bangs ko sa kanya! "Naka-drugs ka ba?" At talagang inulit nga! "Bakit mo naman naitanong, ha, Terence?" nagdududang tanong ko pabalik. Hala. Hindi kaya siya iyong gumagamit sa amin ng ipinagbabawal na gamot at plano niya lang na i-frame up ako sa mga pulis? Omg. Oh, baka naman plano niyang isama ako bilang tagatulak? Omg, times two. Ang layo ng narating ng imahinasyon mo, ineng, ang sarcastic na komento ni Brainy. Malay ba! Umungos ako. Huminto siya sa

