Walang imik na hinila niya lang ang kamay ko habang tinatahak namin ang daan patungo sa isang super-duper-ultra-mega na hindi familiar na kwarto. Hindi niya ako dinala sa bahay namin ni Kuya kung hindi sa bahay niya mismo. Napalunok ako nang buksan niya ang pinto. Hindi kaya dito na niya isasagawa ang pag-salvage sa akin? Oh, no! "Umupo ka." Utos nitong higanteng dilag na nasa harap ko pero tinulak naman ako papuntang kama. Muntik na nga akong mapahiga, eh. "Dahan-dahan naman," Reklamo ko bago ngumuso. "Hindi mo kailangan maging marahas." Hindi niya ako pinansin. Inilagay niya lang ang bag ko sa couch na nasa gilid lang ng kwarto na kinalalagyan namin malapit mismo sa pinto. Ano kaya 'yon, may pa-couch-couch pa. Inilibot ko ang paningin sa kabuoan ng lugar. Hindi hamak na mas malaki i

