“Alexa!” tuwang tawag ni lola Antonia. Kumakaway-kaway ito nang matanaw na ang apo sa may entrada ng airport.
Napalingon naman si Alexa ng marinig ang pamilyar na tinig. Di nga sya nagkakamali ang lola Antonia nya, kay lawak ng mga ngiti nitong kumakaway-kaway pa sa kanya. Ginantihan naman nya ito ng kaway at agad na nilapitan ang kinaroroonan ng abuela. Isang mahigpit na yapos ang ginawad ni Alexa sa kanyang abuela. Subrang na miss nya ito. Mangiyak-ngiyak naman ang lola Antonia nang makitang totoo na ngang nasa harapan na nya ang apong kay tagal nang nawalay sa kanya.
“Ang ganda ganda mo na apo! Ang laki na ng pinag bago mo!” maluha-luhang ika ng abuela.
“ha.ha.ha….si lola naman mapagbiro ka pa din hanggang ngayon, lola naniniwala naman akong paborito mo talaga ako kaya no need mo na akong bolahin.” pabirong ika ni Alexa nay apos-yapos pa din ang abuela.
Hinimas ni Lola Antonia ang mukha ni Alexa, tila di na nito mapigil ang luhang pilit na pinipigalang pumatak kanina pa.
“Kamukang-kamuka mo na ang iyong ama apo! Hinde na maiikailang anak ka ng ani Fernando.” anito na di maampat ang pagkatitig sa mukha nya. “Ikaw ang nakakuha ng higit sa features ng iyong ama apo!” dugtong sambit nito.
Mapait namang ngumiti si Alexa sa narinig mula sa kanyang abuela. Ayaw nyang magsalita nang kung ano. Kaya inaya na nya itong umuwi na sila at pagod na sya sa haba ng byenahi nya. sa tagal ni Alexa sa ibang bansa ay nakapundar na sya ng sariling bahay at Negosyo salamat na din sa tulong ng kanyang abuela, ito ang tumatayong tagabantay ng mga assets nya sa pinas.
Dito nya ipinagkatiwala ang perang kinita nya sa ibang bansa, kinuhanan sya nito ng account nan aka pangalan sa kanya kahit nasa ibang bansa sya. Kaya naman kahit di na sya babalik sa New Zealand ay buhay reyna na sya kung totousin. Pero mas naisin pa din nyang tumira malayo sa kinakalimutan nyang pamilya.
Napasinghap si Alexa ng malanghap ang sariwang hanging galing sa karagatan na kung saan nakatirik ang bahay bakasyonang ipinatayo nya. Dream house nya ito, maaliwas at tahimik ang lugar tanging hampas ng mga along naggagaling sa baybayin ang maririnig at huni ng mga ibong nag lilipana. Napangiti si Alexa ng makita ang mga batang masayang nag tatakbohan sa mapuputing buhangin ng baybayin. Ay iba nama’y nagpapalipad ng saranggola. May mangilan-ngilan namang nag tatampisaw sa dagat. Nakaka engganyo naman kasi ang kulay asul na tubig nang karagatan. Tika may mga crystals pa ito pag nasinagan ng araw.
Iminuwestra ni Alexa ang mukha paharap sa kainitan ng araw, ninanamnam nya ang kaiya-iyang init na dulot ng araw. Hinde pa ito ganon ka init at mag alas 8 palamang ng umaga. Nahinto lang ang pagnamnam ng init ni Alexa ng may munting tinig syang marinig mula sa kanyang tagiliran.
“You’re so pretty! Are you an angel?” aning batang babae na nasa 7 taong gulan na ata, naka ponytail ang buhok nitong wavy at naka light blue dress. Sa kabilang kamay nito ay naka hawak ang isang bunny stuff toys. Ang kabilang kamay naman nito ay naka tago sa may likuran nito.
“Hello there!” ani Alexa na nginitian ang munting bata.
“You’re so pretty, are you an angel?” ulit na tanong ng bata sa dalaga.
Napangiti naman si Alexa sa sinabe ng bata.
“You’re pretty too! And I’m sure you’re an angel too!” ganting sabi ni Alexa sa bata.
“No, I’m not! My Mom says I am not pretty, that I don’t look like her! And I am not an angel either!” aning bata na tila mahimigan ng kalungkutan ang bitaw na salita nito.
Napakunot naman ang nuo ni Alexa ng marinig ang sinabe ng bata. Tila may kurot syang naramdaman sa mga sinasabe nito. Umupo ng bahagya si Alexa para pantayan ang taas ng bata. Hinawi nya ang ilang hibla nang buhok na tumabing sa cute na pagmumukha nito.
“Of course you are! See? You have beautiful chinky eyes, and adorable cheeks na ang sarap e kiss.” Nakangiting turan ni Alexa. Habang pinisil ng bahagya ang matambong nitong pisnge.
“Am I?” inosenting tanong ng bata pabalik.
Tumango si Alexa bilang sagot sa tanong nito at marahang pinisil ang chin nito.
“But my mom says I’m not even beautiful nor pretty!” anitong napaka inosente talaga sa mga sinasabe nito.
“What’s your name baby girl?” tanong balik ni Alexa.
“Jellianne!” sagot naman nito.
“Hmmmm…pretty name, as pretty as the holder of that name!” puring ani ni Alexa dito.
Napangiti naman ang bata sa sinasabe nya.
“Jellianne? Always remember this: you are beautiful, no matter what others say! And always love yourself more than anyone else!” ani Alexa na tinuro pa ang puso ng bata.
“Why?” inosenteng tanong nito.
“Because no one can love you more if you can’t love yourself first! And no one can appreciate you unless you appreciate your own at first.” Nakangiting paliwanag ni Alexa sa bata.
Napangiti naman ang bata na tila naiintindihan ang sinabe nya rito. Tumango pa nga ito na tila sumasang-ayon sa sinasabe nya.
“Jillianne! Nakuuu….bata ka andyan ka lang pala!” Aning isang babaing nasa middle age na. mukang yaya ata ito ng bata naka uniporme na puti kasi ito, may hawak pang manika ang isang kamay nito. “Naku po Miss, pagpasensyahan mo na po itong bata na to…mauusisa po talaga ito.” Dugtong nitong saad ng mahawakan na ang bata.
Ngumiti naman si Alexa sa yaya ng bata.
“Wala po yon, di naman ako na estorbo ng cute na batang to!” naka ngiting saad ni Alexa.
“Yaya, she says I am pretty!” tila wala sa luob na sabi ni Jilliane
“See? Sinasabe ko naman talaga sayo di ba? Your beautiful and so pretty lalo na dito. Ikaw lang eh!” aning yaya na nakangiti pa sa bata. Habang tinuturo nito ang puso nito.
Ngumiti naman ang bata at hinawakan ang dulo ng damit ni Alexa at hinila ito ng bahagya. Napatingen naman dito ang dalaga. Iminuwestra ng bata na bumaba ng unti si Alexa, agad namang umupo si Alexa para pumantay sa bata.
“Thank You! Miss so pretty!” pabulong na sabi nang bata sabay halik sa pisnge ni Alexa, at agad na humawak na sa yayang kanina pa nag aantay sa bata.
Napangiti naman si Alexa at kumaway na sa bata na akay-akay na ng yaya nito. Muli naman syang bumaling ng tingen sa malawak na karagatan. May kung anong kurot syang naramdaman ng dumampi ang malamig na hangin sa kanyang pisnge.
Napatingen sya sa likuran nya, at tila namalikmata si Alexa sa Nakita, tama bang Nakita nya ang amang nakatayo sa may gazebo nila? malamlam ang mga matang nakatitig ito sa kanya, tila ba may nais itong sabihen sa kanya. Kinusot nya ang mga mata at muling binaling ang tingen sa may gazebo, ngunit wala na don ang ama nya. nakakunot ang nuo na binaling muli ang paningen sa dagat at bumuntong hininga ng malalim.
Kanina pa naka parada ang kotse ni Alexa sa tapat ng bahay nila. Kanina pa sya nakatitig sa maliwanag na tahanang nilisan nya 10 taon na ang nakalipas. Tila ipinako na ang kanyang mga paa sa kanyang kinauupoan. Parang ang bigat nitong ihakbang palabas sa sasakyan. Atubili syang bumaba, laging tanong nya ay para saan pa?
“Alexa? Shall we apo?” ani lola Antonia na nagpabasag sa pananahimik ni Alexa.
Napalingon naman dito ang dalaga. Nakasuot ito ng white na dress, napaka ganda pa din ng lola Antonia nya kahit may edad na ito. Pilit na ngiti ang ginawad nya sa matanda.
“Hinde ako bababa apo hanggat hinde kita kasabay na bumaba sa sasakyang ito!” aning lola Antonia nya.
Pilit ang ngiting tumango na lamang si Alexa sa abuela. Kung hinde lang din dahil dito ay di na sya mag abalang magpakita pang muli sa pamamahay na ito, dahil sa bawat hawi nya ng tingen ay nag papaalala sa kanya ng subrang sakit.
Mula pagkabata ay hinde na Maganda ang mga ala-alang ipinagkaluob sa kanya ng bahay na ito.
Binuksan ni Alexa ang pintuan ng sasakyan at marahang bumaba na dito. Tila napatingen naman ang lahat ng mga andon sa kinaroroonan nila Alexa at lola Antonia. Walang emosyong tinalunton ni Alexa ang kinalagakan ng kabaong ng ama habang akay-akay ang abuela.
Bago pa man marating ni Alexa ang dulo ay Nakita nyang tumayo ang mama ni Alexa, nagulat sya sa laki ng tinanda ng ina, ang dating maamo at Magandang pagmumukha nito ay napalitan ng malungkot na na pagmumukha, may mangilan-ngilan na ding puting hibla sa buhok nito.
Mga matang mas lalong pinalungkot ng kahungkagan ng panahon. Maluha-luha itong nakatingen kay Alexa, tila nag aatubili sa ipapakitang nararamdaman sa paghaharap nilang muli. Totop ang bibig nitong nakatingen kay Alexa, nais nitong akapin ng mahigpit ang bunsong anak sa subra nitong pangungulila.
Ngunit walang emosyon ang pagmumukhang makikita kay Alexa tila wala itong nakikita sa harapan. Tuloy-tuloy lang itong inakay ang abuela sa kabaong ng kanyang ama. Ng mapahagip naman nya ang ate Marga nya sa kanang bahagi na taimtim ang pagkatitig sa kanya. Gumandang lalo ang ate Marga nya, pero mas kakaitaan naman ito ngayon ng ka estriktahan at tila mahahamig mo ang galit sa mga mata nito. Isang walang ekpresyon din ang pinakita nya dito at tila karaniwang tao lang ito sa paningen ni Alexa.
Napatingen lang si Alexa sa abuela nang maramdaman nya ang paghigpit ng hawak nito sa mga bisig nya. maya-maya lang ay kumapit na ito sa kabaong ng ama nya. hinde nakaligtas kay Alexa ang mukha ng ama, tila tulog lang ito, pero halata sa guhit ng nuo ang katandaan nito, mga labing firm ngunit maaninagan ng lungkot sa pagmumukha nito. Walang ano mang emosyong mahalukay si Alexa habang nakatunghay sa nakahimlay na ama. Ni isang patak ng luha ay wala syang mailalabas. Napatingen na lamang sya sa katabi nyang abuela na napahagolhol na ng iyak. Lumingon si Alexa sa likuran at hinanap ang private nurse ng abuela ng mahagip ng kanyan mga mata ay sinenyasan nya itong lumapit. Agad namang tumayo ang babae at lumapit sa mag abuela.
“Lola labas muna ako, need ko lang huminga at maka langhap ng sariwang hangin” ani Alexa na hinalikan ang ulo ng abuela.
Malungkot na tumingen ang matanda sa apo nya, alam nyang umiiwas lang ito, di na nya pipilitin ang dalaga dahil alam nya kung gaano ka bigat para dito ang pagdalo ngayong gabing ito. Masakit man sa matanda na kahit sa huling sandali ay maibsan man lang ang sakit at kirot na namamahay sa puso ng apo ay di man lang nya magawa. Kaya naman tumango na lamang ito sa nais gawin ng apo. Hinatid pa nya ng tingen ang paglisan ng apo at nag tungo sa madilim na bahagi na kung saan laging pinagtataguan nito sa tuwing mapapagilitan ng ama.
Nilibot ni Alexa ng tingen ang kanlungan niya noong bata pa sya, mapait na ngiti ang namutawi sa labi ng dalaga. May iilang scenario ang bumabalik sa kanyang balintataw ng magawi ang paningin nya sa isang parte ng harden, andon pa din pala ang swing na lagi nyang inuupuan. Marahan nyang tinungo ito, hinawakan ni Alexa ang swing at inugoy ito nang marahan. Napangiti sya ng marinig ang pamilyar na tunog ng swing na ingit pa din ito pag idinuduyan. Tiningnan nyang maigi kung ok pa ba itong maduyanan. Ng mapagtanto nyang matibay pa din ito ay umupo sya dito at napapikit na idinuyan ang sarile.
“Inaalagaan ng Papa mo ang swing na iyan!” aning mama ni Alexa. Sumunod pala ito ng makitang patungo sa swing ang bunsong anak. “Di nga nagkamali ang papa mo, sabi kasi nya na pagbumalik ka ay alam nyang itong swing na ito ang una mong lalapitan at susuriin. Kaya naman laging kinukumpuni ng papa mo yan, ayaw nyang palitan ng bago, kasi alam nyang di mo magugustohan pag makita mong iba na ang swing na nakalagay dyan. Ni di nya pinuntorahan yan hinayaan nyang ganyan kulay lang kahit kupas na kupas na ito. Kasi ikaw pa din ang inaalala ng papa mo.” Dugtong kwento ng ginang.
Tila nabikigan naman si Alexa ng marinig ang boses ng ina. Tumayo naman sya ng marahan, ni di man lang binigyan ng sulyap ang inang nasa likuran. Hahakbang na sanang muli si Alexa ng marinig nyang nagsasalitang muli ang ina.
“Welcome Home a…aa…aanak!” garalgal ang boses na sabi ng ginang.” Salamat at umuwi ka sa burol ng ama mo!” may lungkot at hikbi na dugtong ng ginang.
Para namang walang narinig si Alexa, tumuloy-tuloy lang ito sa paghakbang patungo sa isang pintuan na kung saan may daan patungo sa sala na kung saan andon ang entrada patungo sa taas. Balak nyang magkulong nalamang sa kwarto nya, kung meron pa nga syang kwarto na dadatnan.
Umakyat na sya pataas, tinalunton ang kaliwang bahagi na kung saan andon ang naging kwarto nya noon, bago pa man nyan narating ang silid ay napansin nya ang isang side cabinet na kung saan nakahilera ang mga larawan ng buong pamilya, napatigagal sya ng makita nya ang larawang nag iisa nasa gitna ito ng larawan ng kanyang mga magulang.
Napakunot ang nuo nyang pinag masdan ang larawan nya, ito yong larawan na pinadala nya sa abuela nya. ito yong nasa Frankford sya, nong winter time nag bakasyon syang mag-isa na dapat ay kasama nya ang abuela dangan lamang ay di ito pwede sa subrang lamig. Kaya mag-isa syang nag lulunoy don sa snow……Maganda nga ang pagka ngiti nya dito pero pag katitigan mo ng maigi ay kakitaan mo ng kalungkotan at kahungkagan ang mga mata nya. agad naman nyang binalik ito sa kinalagyan at binuksan ang silid. Medyo ikinasiya nya nang makitang kwarto pa din pala nya ang kwartong tinatayoan nya. tuloyan na niya itong binuksan at pumasok na sa silid.
Ganon pa din ang lagay ng silid nya, nagulat pa sya at nag bago ang pintura nito, dati kasi ay kulay puti lang ito, ngayon ay kulay lavender na ito, ang kulay na gustong-gusto nya noon ipapintura sa silid ng pinapinturahan ng mga magulang nito ang silid ng ate Marga nya, buong akala nya ay papinturahan din yong sa kanya, laking lungkot nya ng hinde sinama ang silid nya.
May selos syang naramdman noon pero sinupil nya ito dahil ayaw nyang magalit ang magulang nya sa kanya pag nalaman ng mga itong nagseselos sya sa ate nya. mapait na napangiti si Alexa ng maalala iyon. Napabaling ang tingen nya sa isang bahagi sa luob ng silid nya, may isang glass cabinet na doon.
Nilapitan nya ito, Nakita nya ang guitarang lagi nyang pinapatugtog sa tuwing mabigat ang dala-dalahin nya. ito ang lagi nyang Karamay sa twing napapalo o napapagalitan na naman sya ng papa nya, dito nya ibinuhos lahat ng sama ng luob nya, sa guitarang ito. Sa ibaba nito ay nakasulat ang “Alexa’s Guitar” napakunot ang nuo nya nang Mabasa ito. Sa baba naman ng guitara ay andon ang mga sketch book nya. gusto sana nyang buksan ang cabinet at suriin ang sketch book nya ng mapansin nyang naka lock ito. May nakasulat pang “Alexa’s Property” mapaklang ngiti ang namutawi sa labi ni Alexa, di nya mawari kung ano ang gustong palabasin ng mga ito. At ganong nereserba pang talaga ang mga gamit na minsan nang sinabing kalat na basura ng kanyang ama.
“Can’t you see? Pinapahalagahan pa din ni papa ang mga basurang naiwan mo!” mariing saad ni Marga.
Nagulat ng bahagya si Alexa ng maulinagang nagsasalita ang Ate Marga nya sa kanyang likuran. Napakunot ang nuo nya ng mapansing tila may kalakip na pang-iinsulto ang himig nito. Marahan syang humarap dito. Isang walang ekspresyon at tila blangko ang tingeng ipinukol nya sa kaharap.
“Hhmmm? Do you think I care? At isa pa? Hiniling ko bang gawin nyo yon?” mariing ika ni Alexa na lalong pinakita ang walang ka emosyong mukha dito.
“Nakarating ka lang sa ibang bansa akala mo kung sino ka na? napakataas naman nang tingen mo sa sarile at nakalimutan mo nang umapak sa baba” pangungutyang wika ni Marga. “Kahit anong klasing bihis pa ang gawin mo, at kahit anong klase pa yang naabot mo di parin maalis sayong anak ka sa….” Dugtong na ika ni Marga.
“Nang ano? Ng rapist ng nanay mo?” basag na sabi ni Alexa. “Bakit Marga? Ano bang pinagkaiba mo? Di ba isa ka ding demonyo? Baka akala mong nakalimutan ko na ang lahat? Why acting strange? Ikaw ba yong biktima?” dugtong ni Alexa na kakitaan na ng galit ang mga mata.
“Bakita ka pa bumalik? Hinde ka na dapat pang bumalik. Walang may gusto ng pagbabalik mo Alexa!” galit na sita ni Marga sa kaharap.
Isang ngiting mapang-asar ang gumuhit sa mga labi ni Alexa.
“Really? Bat parang iba ang nakikita ko sa sinasabe mo Marga?” maybahid pang-asar na wika ni Alexa. “And teka why do I have a sense na kinakabahan ka sa pagbabalik ko Marga? Alam na ba nila ang totoo? Ohhhh…so don’t tell me hanggang ngayon ay di pa din nila alam ang totoo? Ikinamatay na lamang ba na ama mo ang katotohanan?” ngiting aso na ang makikita sa pagmumukha ni Alexa.
Tila nabuhosan naman ng malamig na tubig si Marga sa tinuran ni Alexa. Naningkit ang mga mata nito at biglang lumagapak ang kamay nito sa mukha ni Alexa. Nabaling pakabila ang mukha ni Alexa sa lakas ng sampal ng ate Marga nya. bumaling uli sya na mas walang emosyon at naka tiim itong nakatitig kay Marga.
“Wala na bang bago? Isang sampal lang ang kaya mo?” kabakasan na ng galit ang bawat salitang binitiwan ni Alexa at walang anu-ano ay magkabilang nakakatulig na sampal ang binitawan ni Alexa sa pagmumukha ng ate nya.
“Alexa!” gulat na sita ng mama nila.
Nagulat ng bahagya si Alexa ng makitang nakatayo na sa may pintuan ang ina, tila bumalik na naman ang nakaraan, ito na naman sya nahuling laging nahuhuling salarin. Agad namang umakap si Marga sa ina at humikbi sa dibdib nito. Mapait na ngiti ang iginawad nya sa dalawa. At akmang lalabas na ng silid.
“Alexa….” Tawag ng ginang sa bunsong anak.
Huminto saglit si Alexa.
“Aaa...aanak……” tanging sambit ng ginang.
Nang malamang wala na itong sasabihen ay agad nyan itinuloy ang paglisan. Pabigat ng pabigat ang kaluoban ni Alexa. Sa twing may mali ay sa kanya lagi ang sisi at tuon ng mga ito. Hanggang ngayon pa ba naman ay ganon pa din? Di na ba magbabago ang kapalaran nya sa pamilya nya? tanging siya na lamang ba ang laging mali sa mata ng mga magulang? Napangiwi sya nang maalala na kung buhay pa ang kanyang ama at nahulihan na naman sya sa aktong ganon tyak syang mamumura at maitakwil na naman sya nito ng wakas. Napatungo si Alexa, pilit na pinipigalan ang galit na nagsimulang umosbong. Huminga sya ng malamim at ikinalma na lamang ang sarile. Hinde ito ang panahon para maningil at wala na syang balak pang sumingil dahil wala na naman ang dahilan ng lahat ng paghihirap nya. ayon nga di ba? Kaya sya andito para kunyaring ipakita ang pakikisimpatiya nya? pero di na makapa ang nararapat na nararamdaman sa namatay na ama.