Nasa living room ang mga naulilang pamilya ni Ginoong Fernando. Naka itim pa din ang ginang nang umupo sa single chair na malapit sa upoan ng attorney. Si Marga ay nakaupo sa coach na malapit sa ina, samantalang nakaupo naman katabi ng lola Antonia nya si Alexa. Marahan nang inumpisahang e discuss ng attorney ang habilin ng yumaong Ginoo.
“Thank you both for being here today. We are all here to discuss the division of your late father’s well and testament.” Aning Attorney na marahang tumingen sa magkapatid na nasa magkabilang panig at sa biyuda ng namatay ganon na din sa ina nitong naiwan.
Agad na ibinahagi ng attorney ang mga copied documents sa mga nasa harap.
“So, it’s say’s here that we need to divide the inheritance equally between us.” Matiim na ika ni Marga habang binabasa ang testaminto.
Tumingin lang ng tila walang pakialam si Alexa sa ate Marga nya. matalim naman ang balik nitong tingen sa kanya.
“I want to make it clear, that I believe I am entitled to a larger share of the inheritance. I have been taking care of our parents for years, sacrificing my own time and happiness just to please them. And beside I am the true blooded daughter of my late father.” firmly and fiercely said ni Marga.
Nasaling ang ego ni Alexa, lalo na ang ipamukha nito ang paging anak nya sa labas.
“Who gave a damn care Marga? It’s all yours if that’s what you want. Hinde na dapat ako andito kung hinde lang kay lola.” Firm na saad din ni Alexa na nilabanan ang titigang ginawa ng ate nya.
Maaninag naman sa mata ni Marga ang lihim na galit para sa kapatid. At paninibugho. Napatikhim ang abogado ng marahan upang maiwasan ang medyo mainit na palitan ng magkapatid.
“I understand that emotions are running high, but let’s try to find your late fathers well. So, let’s start” aning abogado na inayos pa ang eyeglass nito.
Binasa ng abogado ang naiwang testamento ng pumanaw na ginoo. Sa una palamang ay umalma na si Marga, nagpupuyos ang damdamin sa nalalaman lalo na at mas madami ang napamana sa kapatid nyang si Alexa kisa sa kanya. Kung di lang dahil sa mama nya na pumipigil sa kanya ay kanina pa sya sumabad sa pag-babasa ng abogado. Kaya ng matapos ito ay agad umalma si Marga.
“I can’t believe it! Mama, bat kay Alexa iniwan ni Papa ang mansion na ito? I deserve it better than her Mama!” di na mapigilang maibulalas ni Marga ang galit.
“Stop it Marga! May rason ang ama mo kung bakit! At alam mo kung bakit!” Mariing saad ng mama nila. At marahang binalingan ng tingen ang anak na bunso na tila walang ka emo-emosyong nakatingen lang sa kanila. “Hinde mo na dapat kinukwestyon ang kagustohan ng ama mo, e respeto mo nalang ang hiling ng yumao monng ama Marga!” may riin na dugtong na saad ng ginang.
Napailing nalamang si Marga, nagpupuyos ang damdaming tinitigan ang kapatid. Kung nakakamatay lamang ang mga tingen nya ay malamang sa alamang kanina pa bumulagta si Alexa sa sahig dahil sa matalas na tingeng ipinukol ng ate Marga nya. pero wala pa ding emosyon itong naka tingen sa mga kaharap. Mapait syang napangiti at umosbong ang galit na kay tagal nang nakalagak sa puso niya.
Di nya lubos maisip kung ano ang nasa isip ng mga ito at sa kanya pa halos ipinamana ang lahat ng ari-arian ng mga ito. Buhay pa ang asawa nito, pero bakit sya? Bakit sa kanya ipinamana ang mahahalagang ari-arian ng pamilyang ito? Iiling-iling si Alexa nang di parin mabatid ang tunay na dahilan. Nasa malalim pa din syang pag-iisip ng marinig nya ang ginang na nagsalita:
“Alexa, anak. Kung kinakailangan naming lumipat ng ate Marga mo sa ibang bahay sabihen mo lang at ng makapaghanda kami ng ate mo. Alam kong gusto mong mamuhay mag isa at nasanay ka nang mag-isa lang kaya sabihan mo lang kami anak!” Tila may bikig sa lalamunang saad ng ginang sa bunsong anak na walang kaimik-imik. malamlam ang mga matang nakatitig dito.
“Mamaaa!” hiyaw naman ni Marga sa sinabe ng ina. Tumutotol ito sa nais nitong ipaubaya na lamang ang bahay dito. “Di natin kailangang umalis, oo nakasaad na sa kanya na ang bahay, pero nakasaad din sa testamentong iyon na pwede kang manatili at di ka mapapaalis ni Alexa. Then bat kailangan mong lisanin ito? Ikaw pa ngayon ang nag sasabi dyan na aalis ka sa bahay na ito? Ma nama be reasonable sa mga desisyon mo, pati ba naman ikaw?.....” bulalas ni Marga na di makapaniwala.
Tila walang narinig si Alexa. Bagkos ibinaling nito ang tingen sa abuela na malungkot ang mga matang tinunghayan ang walang ka ekpresyon na mukha ng apo nya.
“Lola, mauna na muna ako s aiyo! Ipapasundo na lang kita kay Mang Gaston mamaya” Ani Alexa na buong pagmamahal na hinalikan sa nuo ang abuela.
Napaluha naman ang ginang nang makita nya kung gaano pinahalagahan ng bunso nyang anak ang abuela nito. Ninais nyang maramdaman ang ganong pagmamahal at pag-aaruga mula dito. Napakagat labi ang ginang at palihim na hinawi ang mga luhang nag uunahang bumagsak sa malungkot nitong mga mata.
Humayo na si Alexa at walang lingong likod na nitong nilisan ang sala na kung saan naka maang ang mga naroon. Na ikinagigil lalo ni Marga. Kaya naman tumayo ito at pahablot na kinabig si Alexa.
“Damnnn you Alexa! Huwag kang bastos! How dare you walk away like that! Ni hinde mo nga sinasagot ang tanong ni Mama, nag walk out ka aged? anong feeling mo? artista ka? entitled ka sa pagpapa-walk out?” Galit at gigil na saad ni Marga.
Malamig na titig ang iginawad ni Alexa sa kanyang ate Marga. at itinaas ang mga kilay na sumulyap sa pagkahawak ng ate nya sa kanyang braso. maldita at atrimitida ang dating ng mukha ni Alexa.
“Bakit Marga? Ano ba ang gusto mong marinig ha? anong gusto mong marinig? Na natutuwa ako sa mga napagpasyahan ng mga magulang mo? Na parang ok lang lahat? Na WooooWwwww! Ano to Kabayaran sa lahat ng pasakit ng pamilyang sumusugat sa buo kong pagkatao? Woooowww ang galing naman kung ganon…. worth it naman pala ang pang aabuso nyo sa akin noon, paid off lahat ng luhang iniluha ko sa pamilya mo! dapat ba pang FAMAS din ang acting ko na kunyari its a PLEASURE dahil sa akin ipinama ng ama mo ang lahat? ganon ba ha? ” nag pupuyos sa galit na saad na wika ni Alexa, kanina pa pala ito nag titimpi.
Sa lahat ng narinig niya ay tila ba kabayara ito sa lahat ng hirap na naranasan nya sa kamay ng ama at ng kanyang pamilya. at ito na nga, di sya nagkamali na tataas ang alta presyon ng ate nya pag may mamanahin syang kunti, pano pa kaya na halos lahat na ata ay sa kanya ma punta, lalong lalo na ang kumpanyang noon pa pinapangarap ng ate nyang makuha, na di nya lubos maisip kung bakit sa kanya ito ipinamana. Iiling iling sya habang malamig na mga mata ang ibinigay sa ina at kapatid.
“sa tingen mo ba ikinatuwa kong lahat ng iyon? Ha? Para saan? Para ok na? na parang binabayaran nya lang lahat ng iyon? Ohhhhhh! So kabayaran pala lahat ng ito ganon ba? At gusto mo makita ang reaction ko tungkol dyan sa ipinamana ng ama mo? Come on Marga! That was the stupidest thought that you could think of!” pangungutyang turan ni Alexa. "Naniwala kang masaya ako sa pasya ng pamilya mo? will SORRRRRYYY! di ako bayaran at di ako tanga! masyado nang lamog at lupaypay ang pagkatao ko para umulit na maranasan yong pinaparanas nyo!" tiim bagang na dugtong ni Alexa.
Isang malutong na sampal ang dumapo sa mukha ni Alexa mula sa ate Marga nya. nagpupuyos ang damdamin nitong nakatingen sa kanya. Tila naman blanko uli ang ekpresyon ang iginawad nya dito. Isang walang emosyon at malamig na tingen ang nakuha ni Marga mula dito.
“How dare you! Napaka lapastangan mo sa ama ko! Napaka wala mong modo! Kung ganyan lang din naman ang natutohan mo don sa lugar na kung saan ka nang galing sanay doon ka nalang hanggang sa mabulok ka! I don’t know kung anong nakain ng papa para sayo ipamana ang mga bagay na di mo naman pinag hihirapan! Kung alam ko lang na ito ang maging pasya nang papa, noon pa lang ay tinututolan ko na ito!” litanya ni Marga na nag pupuyos ang puso sa subrang galit at paninibugho.
Ngising nakakasira ng ulo ang iginawad ni Alexa sa ate Marga nya. tinitingnan nya ito mula ulo hanggang paa:
“Ama mo! Oo nga naman! Bat di ko naisip yon?” walang emosyong saad ni Alexa. Kumibit balikat lang ito, ng maya-maya lang ay isang malutong na samapal ang kumawala mula dito, na ikinatulig naman ni Marga. “Para yan sa salitang binibitawan mo na dapat ako ang nag sasabi sayo ng ganon! Wag kang mag-alala, ni singkong duling ay wala akong tatanggapin sa inyo at lalo na sa TATAY MO! Isaksak mo sa baga mo ang lahat ng mga yan! Dahil di ako kagaya mo na umaasa sa yaman ng magulang para masustentohan yang luho mo, I can work my fuckin butt and get the things I want to have in a snap kahit walang sintimong manggagaling sa inyo! Tandan mo yan!” paduro at pasarkastikong saad ni Alexa habang nakaduro ang dalire nito sa mukha ni Marga. sabay talikod nito at itinuloy na ang paglisan.
Natulala naman si Marga sa ginawa ni Alexa, di nya akalaing mas naging matapang ito ngayon. Pero di sya papayag na mapunta dito ang lahat ng isinaad sa testamento nang ama. pinaghirapan din nya ang ibang ari-ariang binigay ng ama kay Alexa. Kaya sa isip niya ay di pa dito natatapos ang lahat.
“Marga! You should not have done that! You’ve gone too far this time!” tigas na saad ng ina ni Marga na nakatayo sa may likuran into at mahigpit na hinawakan ang braso na ikinalingon nito. “Mas lalo mo lang pinalala ang sitwasyon! hinde ka nag iisip! you've been too stubborn Marga!” dugtong saad ng ginang.
“No mama! napaka unfair mo, lalong lalo na si papa, kayong dalawa! Alam kong alam mo, na hahantong sa ganto ang lahat pero hinahayaan mo lang si papa sa gusto niya. I work hard on this alam mo yan! Yet kay Alexa nya parin ibinigay ang pamamahala nito, And that’s too much to bare. Paano naman ako? Anak nyo din ako Mama. Mas may Karapatan ako kisa don sa Alexang yon! mas may alam ako kisa dyan sa prodigal nyong anak! ” galit na saad ni Marga na nag aalab sa galit ang mga mata.
isang malutong na sampal ang dumapo sa mukha ni Marga na ikinatulig nya. may luha na sa mga mata nito ng bumaling muli sa ina. napatiim bagang na lamang ito at pahablot na binawi ang mga brasong mariing hinahawakan ng ginang at madabog na umalis. Naiwang nang halipospos ang ginang, paimpit itong umiyak sa sofa. Marahan namang tumayo si lola Antonia upang aluin ang anak. Tumingen ito sa matanda at napahagolhol na sumubsob sa dibdib nito. Mapagmahal na inaapuhap ng matanda ang likuran ng anak upang patahanin at kalamayin ang sumasamang kaluoban.
Sa ganong ayos sila ng mapagpasyahan ng abugadong ipagpaliban na muna ang nais nitong pag papapirma sa kasulatan matapos basahin ang mana para sa mga ito. Nirespeto ng abogado ang tila ba pabigat nang pabigat Na problema ng pamilyang pinaglilingkuran. Ramdam din ng abogado ang sama ng luob na lumukob kanina sa silid na iyon. Kaya humayo na ito, hinayaan na muna nyang mapagsarilinan ang magbyanan at maka pag usap ng maayos.
"Mama! ano pa ba ang gagawin ko? mas lalong gumulo ang lahat! Fernando! tulongan mo akong makayanan ang lahat!" paghihinagpis na turan ng ginang! habang akap-akap ni Lola Antonia.